Kristine Ramirez
Sa lahat naman kase ng magiging Reyna Elena, ako pa? Ganun ba ako kaganda? Ang feeler ko nanaman. Kung sanang yung escort ko is yung nakilala ko dun sa reunion, jusko! Ako pa mismong magvovolunteer sa sarili ko. Hay nako! Kailangan ko nga palang maghanap ng gown! Kailangan ko ng magmadali! Bumaba nako at nandun na nga si Ja na naghihintay kanina pa.
"Buti natapos ka na?" sabi nya in a sarcastic tone.
"Sorry poooo..." sabay gaya kay Chichay. "Sus bakit ba mukhang inis na inis ka?"
"Eh kasi naman eh. Nabuhusan yung damit ko kahapon tas umalis lang agad. So yun, pag-uwi ko pinagalitan ako ng mudra ko."
"Ahh... Okay." sabi ko na lang.
Tumayo sya sa upuan at hinablot ang kamay ko, "Hay nako! Tara na nga! Bilisan natin at baka maubusan ka pa ng gown."
Nagcommute kaming dalawa hanggang makapunta kami sa Gown Shop ng tita nya. Pagkapasok namin ay tumambad samin ang napaka-daming gowns. Ang gaganda. Meron isang costumer na paalis na.
"Magrent ulit kayo dito, Trisha, ha." sabi ni Tita Nel sa costumer.
Bigla akong naweirduhan kay Ja nang bigla na lang niya nilapitan yung costumer.
"Ah miss." sabi ni Ja. "San ka nakatira?" tanung niya.
"Sa St. Aloysius Village." sabi ng babae.
Wait- St. Aloysius ba kamo? Hindi ba dun nakatira si lalake sa reunion?! Hay nako! Ba't ba siya ung iniisip ko? Dapat yung SantaCruzan priority ko ngayon.
Hinila ko ung kamay ni Ja, "Ja! Pili na tayo ng gown!" sabi ko.
Lumabas na yung costumer kanina kaya kaming dalawa ni Ja at Tita Nel lang yung nandun sa shop. Lumapit si Tita Nel kay Ja.
"Siya ba?" tanung ng Tita Nel.
"Ah opo tita, Reyna Elena yan! Kailangan bongga ung gown ha." sabi ni Ja.
Napatawa kaming dalawa ni Tita Nel. Si Ja naman kase. Parang siya pa ung magre-reyna elena kaysa saken eh. Excited kasi nitong babaeng to hahaha.
"Buti na lang at natago ko yung gown na pang-reyna elena." sabi ng tita ni Ja.
Pumasok si Tita Nel sa isang room. At pagkalabas niya ay may bitbit-bitbit na siyang puting gown. At grabe! Ang ganda at bongga! Perfect pang-reyna elena.
"Wow." sabi ni Ja sabay hawak sa gown. "Girl! Try mo na!" excited na excited naman 'tong babaeng 'to!
"Oo na." napa-smile na lang ako.
Pumasok ako sa fitting room at sinuot ko na yung gown. Gawd! Perfect fit! Tumingin ako sa salamin. Grabe, ang ganda talaga. Lumabas ako sa fitting room para makita ni Ja kung okay lang. Nakanga-nga lang si Ja. Siguro nagandahan rin.
"Grabe! Bagay mo gurl!" sabi nya sabay smile.
"Eto na lang?" tanung ko.
"Yan na! Sure na sure na ako!" parang mapapaiyak na ata itong si Ja sa tuwa.
"Ay teka! To complete the outfit..." Pumasok sa isang room si tita Nel at kinuha ang isang box at isang korona. Pinasuot sakin ni Tita Nel and Gosh!
"Who is this beautiful maiden infront of me?" Sabi ko in an amazed tone. Ang ganda talaga!! :o
"Siguradong mags-stand out ka sa SantaCruzan." kinompliment pa ako ni Tita Nel. Ka-flatter naman.
So yun, nakapagrent na kami ng gown and we're ready to go. Yey! Salamat sa Diyos! Pero sino kaya escort ko? Hayy... Last time, si Joshua daw? yung kapitbahay namin... Then the next day... si Niko daw yung anak ng katrabaho nila mama... The next next naman yung batang chubby na kakilala ng lola ko... Hayy I just hope na si crush nalang :((

BINABASA MO ANG
Someday
Short Story"Akala ko ako. Siya pala." Isang babae at lalaki. Sa maling pagkakataon, sila'y nagkita. Magkikita pa nga ba sila? Siguro, baka, someday.