Kristine Ramirez
THIS IS IT!
3:00pm with Jane Cruz infront of a blue gate. Si Ja ang namili ng escort ko. Sabi nya nagpatulong pa sya sa New-Found mga pinsan nya and now's the time na makikilala ko na escort ko. *deep breath*
Nagdoorbell na si Ja. May lumabas na babae mga mas matanda samin ng konti, Siya daw si Ate Nicole/ Nics. Pinapasok nya kami sa bahay nila. Sabi ni Ja, pati raw pinsan nya kasama sa SantaCruzan mamaya kaya ayun, sabay nalang kami instead na sa bahay nalang ako aayusin. Escort ko daw yung bestfriend ng pinsan nya soo, technically di ko pa rin kilala haha.
May pumasok na lalaki matangkad, gwapo naman kahit papano, mga kasing-age namin ni Ja.
"Uhmm, si Kian pala." Pagpapakilala ni Ate kay Kian.
Nag-wave ako, "Hi" Sabi ko sabay smile.
"So, ikaw pala ang partner ko! Nice to meet you?..." Sabi ni Kian habang naghihintay ng sagot kung ano pangalan ko.
"Kris." Sabi ni Ja.
"Nice! Kapangalan mo pa kaibigan ko!" Sabi ni Kian sabay tawa.
"Nice to meet you!" Sabi ko naman sabay smile.
After some time, ayun naging medyo close kami ni Kian at ni Ate Nicole. Tagal naman yata dumating ng kapatid ni Ate Nicole? Tapos na kami inayos pero wala pa din si kapatid nya. Hayy ma-la-late nyan sya, sayang pag nalate sya.
Off to church na kami, Ibibigay pa kasi ni father yung blessing sa mga may roles sa SantaCruzan.
Ina-announce na yung mga roles sa SantaCruzan. Medyo matagal pa naman kami ni Kian kaya nagkwentuhan muna kami. Kapangalan ko pa pala bestfriend niya. How weird? Biro lang. Andami kayang Kris/Chris sa mundo haha.
"Reyna Elena, Kristine Ramirez." Inalalayan ako ni Kian papunta sa gitna ng altar at naglakad papunta sa back door ng church.
Again, dahil last kami ni Kian chill chill muna kami sa arko. Mahaba daw lalakarin namin kaya after ng SantaCruzan kakain daw kami sa bahay malapit sa church. Church to St. Gabriel to St. Michael to Church daw yung buong itinerary namin.
* * *
Kahit nakakapagod yung paglalakad atleast hindi boring. Nagpapatawa si Kian habag naglalakad. Sila mama nakila Ja/Ate Nics. Picture here, Picture there, Flashes here, Flashes there, Camera here, Camera there. Pagod na paa ko(FYI naka-heels pa ako)! Plus, Bibig ko sa kakasmile! Buti nalang malapit na kami sa church! SUCCESS! HAHAHA
Ayaw ko muna kumain, kaya pumunta nalang ako sa playground. Naalala ko yung swing nung nagusap kami ni crush. Sinubukan kong umupo kaso nakagown ako mahirap! Kaya tinitigan ko nalang. SENTI MODE ba kamo?
Bakit pa kasi yung 'Someday' niya ang nagbigay sakin ng hope na magkikita pa kami... kahit hindi naman. SENTI OVERLOAD na talaga.
"KRIS!!!" May sumisigaw ng pangalan ko... Sino kaya to?
"KRIS!!!" Ayy baka di akong tinatawag nito.
"KRIS!!!" Sigaw ulit. ako ba to? Haist! Hindi yan!
"KRIS!!! KRIS NA MALAPIT SA PLAYGROUND!" Ako kaya? Ayy hinde!
"NA NAKATALIKOD!" Ako na to! Sure nako dun! Ako lang naman siguro nagpapakatangang nakatalikod sa mga tao at nakatitig sa swing -.- Atsaka sino ba naman tatanggi sa pagkain? xD
Hinanap ko kung saan nanggaling yung boses.
"HAYY! SALAMAT NAKITA MO RIN AKO!" Sigaw ulit ni... Ate Nics!
Kaso napansin ko may lalaking nagmamadali sa likod ko, at nilagpasan lang ako.
"Yes, Babe?" Tanong nung lalaki kay Ate Nics. Ayy di pala ako! Bf pala ni Ate Nics. Lumingon sya sakin.
To my surprise, Si Crush!
HEARTBREAK </3
New found friend ko ang girlfriend ng Crush ko. :((
Someday... Someday... Someday...
Bumalik nalang ako sa swing. SOMEDAY NGA. Feel ko ang tanga ko. HAHAHA ANG FEELER KO KASI KAYA GANTO EH! Kung sanang di lang ako naging assuming.
Kung sanang di nalang ako naniwala sa Someday nya edi sana nakakilala pa ko ng Somebody. Haayyy!!! Buhay!!! Nagwa-waterry eyes nanaman ako! Grr!!!

BINABASA MO ANG
Someday
Short Story"Akala ko ako. Siya pala." Isang babae at lalaki. Sa maling pagkakataon, sila'y nagkita. Magkikita pa nga ba sila? Siguro, baka, someday.