Kristine Ramirez
Reunion nila mama at ng mga kaibigan nya, plus kasama ang mga offsprings nila which means kasama pati ako. Pumunta ako sa may playground ng private resort na to. Di ko naman sila kilala at baka mapahiya lang ako dun. Umupo ako sa swing, Grabe! Ang ganda talaga! May pool na nga, may hotel, restaurant, playground, May mini Lake pa! Hayy... ang peaceful pala dito. Sa sobrang pagka-amaze ko sa lake, di ko namalayan na may nakatitig pala sakin...
"San ka nga ba nakatira?" tanung niya. Isa sya sa mga anak ng mga kaibigan ni mama.
Nataranta ako. Ano sasabihin ko? Sasabihin ko ba kung saan talaga ako nakatira or what? Ba't ba ginagawa kong big deal kung san ako nakatira. Mabait naman sya ah. Atsaka, As if naman na makikipagkaibigan si mama sa parents nya kung hindi sila mabait diba? Sus!
"Sa La Hermosa Village." sagot ko. "Eh, ikaw?"
Tumingin siya sa akin, "Ahh... Sa St. Aloysius Village naman ako nakatira." sabay ngiti.
Grabe! Nakakatunaw yung ngiti niya. Hay... Para bang huminto yung oras na yun. Hay nako! Eto na naman yung mga kabaliwan ko eh.
Biglang may tumawag.
Jane calling...
Iiwan ko lang ba siya dito? o sasagutin ko si Jane? Pag kasi tumatawag si Jane importante ang pakay at minsan naman, kabaliwan lang nya(Ultimo na-hit and run na sampung village ang layo samin sinasabi nya sakin -.-).
"Sagutin mo na." Sabi niya sabay ngiti.
"Sige" Sabi ko sabay pindot ng Accept button. Nakausap ko si Jane, at sabi niya: 'Punta ka na dito may emergency!'
"Uhh- I have to go" Sabi ko habang tinuturo yung way, natataranta ako ano nanaman kayang emergency to?
Niyuko niya yung ulo niya, "Ahh.. Is this goodbye?" Tanong niya.
"I guess..." Sagot ko sakanya. Hayyy...
Bigla siyang tumingin sa 'kin. Mga mata niya parang nags-sparkle. "Magkikita pa ba tayo?" Tanong nya.
"Ahhmm... If it's meant to be, It will be!" Ha? Ano sinabi ko? Erase erase! "Este, pwede." sabay smile sakanya. Sana hindi nya napansin yung sinabi kong kabaliwan... :(( *crossedfingers*
"Ahh... ganun ba? See you... uhhmm..." huminto siya para magisip kung ano isasagot. "Someday." Sabi niya habang nakasmile.
Every step I take, His smile fades away... Hayy Gaano kaya katagal yung someday? :(
Jane calling...
Ako: Hello?
Jane: Kris!!!
Ako: Oh?
Jane: Tagal mo sumagot!
Ako: Ano yung emergency na sinasabi mo?!
Jane: Ahhh... Ehhh...
Ako: Ano?
Jane: Makikilala ko pinsan ko!
Ako: Nak ng! Jane! Linayasan ko kausap ko para sa emergency mo! Yan lang pala! :/ How immature of you!
Jane: Ehh.. Feel ko kasi gwapo eh :( Sorry na! I'll make it up to you! Basta rate mo kung gwapo o hindi ah? :)
Ako: Ayy -.- Sige na nga! Sure, Sige! Ako pa! Hahaha
Jane: Good! Yehey! Sooo???
Ako: Soo??
Jane: Kita tayo bukas! Para makita mo na rin sya!
Ako: Hah? Aalis ako bukas!
Jane: Ano?! San ka naman pupunta?
Ako: Magseserve ako bukas remember? Sunday kaya bukas!
Jane: Ayy okay! Uhhmm... Got to Go! Talk to you later!
Ako: Ayy sige... Bye! Ja talaga oh!
End Call...
Buong akala ko di niya ko napapansin... Tinabihan nya ko sa swing, Bumukas bibig nya at kinausap ako... It felt like na tumigil ang mundo ko. Kumbaga, 'He's all that I see and He's all that I need and I'm out of my league once again' Teka kanta to ah! Pero parang ganyan na nga. Corny na kung Corny pero yan naf-feel ko ngayon eh!
Ni-picture man lang nya wala man ako... Sadyang kung san sya nakatira, ang tanging info na nakatatak sa utak ko. Sa lahat naman kase ng tatanungin ay baket pa yun? Pede namang: Miss ano pangalan mo? Ako nga pala si chuchu... Hayy sana nga tama sya na magkikita pa kami Someday.

BINABASA MO ANG
Someday
Short Story"Akala ko ako. Siya pala." Isang babae at lalaki. Sa maling pagkakataon, sila'y nagkita. Magkikita pa nga ba sila? Siguro, baka, someday.