Sharlene's P.O.V.
"SHARLENE, GUMISING KA NA! TANGHALI NA, NANDITO NA ANG BESTFRIEND MO!" Aish sino ba yan?! Natutulog pa yung tao eh. -____-
"SHARLENE!!!!!" Kaloka! Ang ingay! Pagtingin ko sa clock, 8 palang naman. Tanghali daw! -_-
Ay, ako nga pala si Sharlene San Pedro. Matangkad, Maputi, Matalino, may pagka-chinita at MAGANDA. Oh, angal ka? Sa school namin, madami akong manliligaw pero hindi ko sila pinapansin. Si Nash, habulin ng mga babae. Nagpapahabol naman. Hay naku! Ako nalang kasi Nash! Nandito naman ako eh. Hay, para nakong baliw nito.
"PABABA NA! WAIT LANG!" Sigaw ko. Ang ingay namin noh?
Bumangon na ako at pumasok sa CR. Nag-hilamos at nagsuklay. Then, ok na! Pwede na akong lumabas! Pagbukas ko ng pinto..
"Tsk. Ang bagal mo!" Kuya Daniel. Grabe naman to si Kuya, anong akala nya sakin si Flash?
Nga pala, sya si Kuya Daniel. Daniel John Ford Padilla. Magkaiba kami ng Tatay pero same kami ng Nanay. Ganito kasi yun, mag-asawa si Mama at ang Papa ni Kuya dati. Pero na-aksidente ang Papa ni Kuya, tska lumipas ang ilang taon. Nagkakilala si Mama at Papa sa isang restaurant na pagmamay-ari ni Mama. Ayun, nagmahalan sila at nagpakasal. At ako ang bunga! Kaya yun, pero kahit ganun. Close kami ni Kuya! Nakakatuwa nga si Kuya eh, lagi kaming magkakasundo. Ay, ang daldal ko.
"Grabe ka naman Kuya! Halika ka na nga! Baba na tayo!" Sabi ko nalang at inakbayan sya. Kelangan ko pa mag-tiptoe para maabot sya! Haha! Tiningnan naman ako ni Kuya at ginulo ang buhok ko. Tska inakbayan din.
Pagbaba namin....
"Hi Bro! Good Morning!" Nandito na pala ang gwapong kong bestfriend! Wow! Ang kapal ng mukha ah! Dito pa talaga kumain.
"Sup Bro! Ba't dito ka kumain? Naghihirap?"
"Tsk. Hindi noh! Mukhang masarap kasi tong luto ni Yaya Marie eh." Sabay kindat nya kay Yaya. Psh
"Yak! Ano ka ba Nash! Pati ba naman si Yaya nilalandi mo! Eww. Sige na, pagpatuloy mo na ang paglamon mo dyan! Tss"
"Grabe ka naman Shar, nakakasakit ka ng feelings! Ouch," Sabay acting na nasasaktan with matching hawak pa sa dibdib.
"Neknek mo, Nash!
"Ehem! Diba Shar, may lakad kayo?" Si Kuya Daniel. Nandito padin pala sya. hehe
"Opo kuya, kakain lang po ako saglit." Nag-nod naman si Kuya.
Pagkatapos kong kumain, naligo na ako at nagbihis. Sabay punta namin sa garahe ni Nash. Dala nya pala ang kotse nya.
"Kaninong kotse, bro?"-Nash
"Sayo nalang"-Ako
"Sige"- Nash. Marunong yan mag-drive kahit fourth year palang kami. Pwede nang mag-drive ang mga ganitong edad. Wag kayo, uso yan dito sa wattpad. dejk
Sumakay na kami sa kotse nya. Sa backseat ako umupo.
"Shar, mukha ba akong driver? Sa gwapo kong to? Dito ka nga sa harapan. Tsss" Highblood agad?
Inirapan ko sya, "Oo na, gwapo daw." bulong ko lang yung huli.
"Ano sabi mo?"-Nash na parang naiirita na. Anukaba Shar, wag ka ngang mag-suplada dyan! Mahal mo yan diba? Hay..
"Wala." Ako. At lumipat na ako sa harap.
After 30 mins. Nakarating na kami sa mall. Hay, sana mag-enjoy kami ngayong araw. Sabay tingin ko kay Nash na nakatayo sa tabi ko.
-------
[A/N] Ano kayang mangyayari sa pagpunta nila Sharlene sa Mall? Abangan yan next chap! :)
Be a fan! Vomment po! :) Thankies!