Nash's POV
Pagkatapos kong makita si Shar at yung mukhang unggoy na kasama nya ay umuwi na ako sa bahay.
Pagdating ko sa bahay, nadatnan ko si Chloe na naglalaro kasama si Stanley. Si Stanley yung anak ng kapitbahay namin, lagi syang pumupunta dito para makipag-laro sa kapatid ko. At ito naman si Chloe ang bunso kong kapatid, sweet, thoughtful at napaka-cute. Wag kang makipag-usap sa kanya kung ayaw mong dumugo ang ilong mo.
"Chloe, Baby, nandito na si Kuya." Naka-ngiting tawag ko sa kanya, sya talaga ang nakakapagpa-ngiti sakin maliban kay Shar. Aish, Ba't ba nasali si Shar dito?
"HIIIIIII TUYAAAAA! How's your day with Ate Sharshar?" Medyo bulol pa si Chloe dahil 5 yrs. old pa.
"Ah, Baby, anong nilalaro nyo ni Stanley." Pag-iiba ko ng usapan, ayoko ko kasing banggitin si Shar. Naiinis parin ako.
Lumapit ako kay Stanley.
"Hi Brad!" -ako
"Uy, Brad! Kamusta?" Brad ang tawagan namin ni Stanley, magka-edad sila ni Chloe pero hindi sya bulol.
"Ok lang naman Bra----"
"Brad? Ewww. Why so baduy tuya and Stanley? Ewww, just ewww." At conyo din si Chloe.
"Tumahimik ka nga dyan Alaina!" -Stanley, pangalan din ni Chloe yan.
"Oo nga Baby, astig kaya yun. Diba, brad?" At nag-apir kami ni Stanley. Medyo nakalimutan ko na yung nakita ko kanina sa park.
"Whatever," sabay ismid nya. "Hey, Tuya, you didn't answer my question kanina about your latad with Ate SharShar. And how is she? Is she fine? So, what na? I'm waiting.." Daldal. Aish. Binalik pa eh. Matured nga talaga mag-isip tong kapatid ko.
"Ah, sige Baby. Akyat na si Kuya. Pagod na ako eh." Sabay takbo ko paakyat sa hagdan.
"You're so unfair Tuya! Ughh! I hate you!" Sigaw ni Chloe.
"Hoy, Alaina, ang ingat mo. Tumahimik ka nga."- Stanley
"I love you too Baby!" Pahabol ko kay Chloe.
Pagbukas ko ng pinto sa kwarto ko dumiretso na ako sa kama at humiga. Hay, nakakapagod tong araw na'to. Sino nga ba talaga yung kasama ni Shar kanina. Kainis.
Matawagan nga..
Nakaka-ilang ring na hindi nya padin sinasagot, "AAAARGH" sabay sabunot ko ng buhok ko. Nakaka-frustrate. Makaligo na nga lang para naman lumamig konte ang ulo ko.
Sharlene's POV
Kanina pa, tawag ng tawag si Nash. Oo, Nash, ayoko syang tawaging bro ngayon. Ha! Manigas ka dyan, Nash. Nandito na ako sa kwarto. Kanina pa ako hinatid ni Paul.
Hay, pasukan na pala bukas. Kelangan ko ng ihanda ang mga gamit ko. Buti nalang sinamahan ako ni Paul kanina para bumili ng mga gamit, naudlot kasi yung kanina eh. Ugh. Bahala na si Nash sa buhay nya, oo nga pala binilhan ko din si Nash. Kahit naman galit ako sa kanya, may concern pa din ako sa gagong yun.
Hay, ano kaya ang mangyayari sa first day ko bukas?
-----
Hi guys! Waaaah! Sorry sa sobrang matagal na update. Sobrang busy ko sa school eh. And about dun sa edad ni Chloe, i'm not sure about that. Hehe So, sana suportahan nyo parin to kahit sobrang bagal ng UD. Wait for the next chappy. :)
Be a fan! Vomment po! :*
BINABASA MO ANG
My Bestfriend (NashLene)
Подростковая литератураBestfriend, I love you.. and It hurts.