9:34pm July 11Nagda-drive ako pauwi sa bahay namin, habang suot tong binigay ni Mommy na Red backless dress na above the knee. Ako si Xena Cruz 17 years old.
Habang nasa kalagitnaan ako ng biyahe sa madilim na kalye may napansin akong sumusunod sakin kanina pa.
Sumilip ako sa Side mirror at binilisan ang pagmamaneho, pero masyado siyang mabilis at humarang sa dinaraanan ko.
Lumabas ako. At lumabas din siya na may hawak na kutsilyo.
Biglang nanginig ang mga paa ko at naglakas loob na magsalita "S-sino ka? Anong kailangan mo sakin?" Palapit siya ng palapit habang paatras ako ng paatras.
"Hindi mo na kailangan malaman ang pangalan ko.. Dahil Papatayin na kita!" Sasaksakin niy na sana ako nang makaiwas ako at tumakbo.
This is bullshit anong kailangan niya sakin? Ugh nakaheels pako.
Tumakbo lang ako ng tumakbo nang mahigit niya ang buhok ko.
"Arghhhh!" Binalibag niya ako sa gitna ng kalsada at Pinagsisipa ako sa tiyan na sanhi ng pagasuka ko ng Dugo.
Hinila niya ang buhok ko patayo at sinapak ako.
Nanginginig na ang mga daliri at paa ko ng pumatong siya sakin.
Sinubukan kong manlaban pero masyado siyang malakas at bigla siyang nagsalita.
"Any last words?" Tanong niya pero masyado na akong nanghihina para makapagsalita.
"Okay, Goodbye Xena Happy 18th Birthday" At itinutok ang kutsilyo sa leeg ko.
And everything went black.
Minulat ko ang mata ko at puting kisame ang sumalubong sakin, nasa isang kwarto ako. Ako lang mag-isa.
Napabalikwas ako nang bangon at lumabas ng kwarto napansin kong nasa hospital ako.
Tumakbo ako para makarating sa bahay namin naalala kong birthday ko pala kaya nagmadali ako.
Nakarating ako sa bahay, tahimik, at nakabukas lang ang ilaw sa salas.
Umakyat ako sa kwarto ko nang may narinig akong naglalakad pakanan at pakaliwa.
(Ano yun magnanakaw? Iposible namang may makapasok dito nilock ko pa to nung bago ako pumunta sa bahay ni Arissa)
Habang nakikiramdam ako may narinig akong umiiyak sa loob.
(Hala magnanakaw ba talaga to? Bakit umiiyak? Siguro nakunsyensya nagdadalawang isip siguro siya kung nanakawin niya ba o hindi)
Naglakas loob ako na buksan ang pinto at Bumungad sakin si Kuya na nasa gilid ng pinto habang si Daddy ay nakaupo sa gilid. Si Mommy pala yung naiyak akala ko magnanakaw.
Nakuha ng atensyon ko ang isang babae na nakahiga sa kama na Namumutla at mukhang bangkay na.
B-ba-bat ako n-nandon? Nangangatal kong sabi at sinubukang hawakan si Mommy pero tumagos lang ako sakaniya.
"A-anong nangyayari?" Napaluhod ako at nang magsalita si Kuya.
"Hoy panget, masaya kana ba diyan sa langit? Bakit mo kami iniwan?" Nanigas ako sa mga narinig ko at biglang bumalik lahat ng ala ala ko tinignan ko ang date (July 13)
Patay na pala ako.
T H E E N D
YOU ARE READING
One Shot Stories
DiversosHi guys! So this will be a One Shot Story Collection, Don't expect to much from me Di ako professional or whatsoever. Enjoy!