Hating gabi na nang umuwi ang Mag-asawa na si Megan at Race kasama ang anak nilang si Cassy.Habang nasa kalagitnaan nang pagmamaneho si Race ng magsalita ang anak nila.
"Papa, Mama naiihi po ako." Kitang kita kung gaano nagpipigil ang anak kaya napahinto sila sa may tabi nang bangin.
Lumabas si Cassy, medyo nagkaproblema sa pagtatanggal ng Seatbelt si Megan. Nang maayos iyon ay nagmadali itong lumabas.
"Cassy! Tapos kana bang umihi?" Nakita niya ang anak niya na nakatayo sa gilid ng Bangin.
Lalakad na sana ang anak na si Cassy papunta rito pero natalilok ito at nahulog, Tumakbo si Megan at nakitang nakahawak ito sa maliit na bato.
"Cassy! Abutin mo ang kamay ko!" Pilit na inaabot ni Megan ang kamay nang anak nito pero biglang bumigay ang batong hinahawakan ni Cassy at tuluyang nahulog sa bangin.
"CASSYYY!" Tumulo ang mga luha ni Megan at biglang dumating si Race.
"Megan, Anong nangyari?!" Bigla niyang iniharap ito sa mukha niya.
"S-si Cassy Race.." Biglang tumulo ang mga luha nito.
.
.
.
.
.
.
.
6 years later..
Nagka anak uli sila Megan na Lalaki na si Raegan.
Parang De ja vu ang mga nangyari at huminto muli sila sa bangin.
Dahan dahan inalalayan ni Megan ang anak, pero this time ay kasama na din si Race.
Biglang Nanginig ang katawan ni Megan nang magsalita ang anak nito na si Raegan.
"Mama, Papa wag niyo po uli akong hayaan na mahulog rito.."
T H E E N D

YOU ARE READING
One Shot Stories
De TodoHi guys! So this will be a One Shot Story Collection, Don't expect to much from me Di ako professional or whatsoever. Enjoy!