Kurtina-
Thalia's Point of View
Abril 9, 1888
6:30 pm"Psst, Thalia, natapos mo ba ba ang pinababasa kong istorya sa iyo noong nakaraang linggo?" tanong ng aking kaibigan na si Rowena.
"Oo, bakit, kukunin mo na ba?"
Hiniram ko kasi ang libro niya dahil wala na akong mabasang maganda sa aming bahay at ako'y nababagot na rin.
"Oo sana eh, gusto ring basahin iyon ng aking pinsan," sabi niya.
"Sige ba, naroon lang sa aking lamesa sa kwarto nakalagay," sagot ko.
"Salamat, Thalia," sabi niya.
"Walang problema. Sa iyo naman iyon, eh. Teka, pinsan mo? Si Kia o si Teresita? Hindi naman mahilig magbasa si Teresita at napakabata pa ni Kia para magbasa, hindi ba?" tanong ko sa kanya.
"Ah, hindi. May pinsan akong kauuwi lang mula sa Estados Unidos. Anak siya ng kapatid ng aking ina."
"Ah, kaya naman pala."
"At nababagot na iyon dahil walang magawa sa hacienda, kaya ayun, nanghingi ng librong babasahin niya, dapat raw eh yung makapal at maganda."
"Kailan ba siya umuwi sa inyo?"
"Noong nakaraang linggo, at alam mo ba, mukhang bagay kayo, Thalia!" sabi niya at humalakhak.
"Ha? Lalaki pala. Akala ko'y babae ang iyong pinsan. Gwapo ba?" tanong ko. Malay niyo't gwapo pala, baka pwede kami.
"Ikaw, ha!" sabi niya ag sinundot ang tagiliran ko. "Oo, masasabi ko. Maganda ako, eh! Gwapo't magaganda kami, ano!"
-,-
"Hay naku, Rowena. Anong hitsura? May litrato ka ba?"
"Oo, teka, kukunin ko," sabi niya at binuksan ang pitaka niya. "Heto, tingnan mo."
Tiningnan ko ang litra-- Ang gwapo niya! Nakakatakam-- biro lang! Ang ganda ng katawan niya, napakamatipuno! Ang gwapo pa, perpektong lalaki!
"A-ang gwapo nga," sabi ko nang hindi pa tinitanggal ang mata ko sa litrato.
"Oh, napusuan mo na nga. Ikaw, ah! Gusto mo bang pumunta sa hacienda mamaya?"
"Bukas na lang."
"Sige."
"Saan ba ang bahay nila at bakit nakitutuloy siya sa inyo?"
"Ang kanyang pamilya ay nasa Estados Unidos pa, at bago pa sila umalis ay sa iisang bahay lang kami nakatira," paliwanag niya.
"Ah, ganoon ba? Sige, mag-hapunan ka na sa amin, gusto mo?"
"Sige ba! Alam mo namang hinding hindi ko matatanggihan ang pagkain, eh!" At nagtawanan kami ng kaibigan kong mukhang pagkain.
-
Alas-nuebe na ng gabi at ako'y matutulog na rin. Hay. Ako'y talagang nasasabik na para bukas! Eh paano ba naman, napaka-gwapo ng pinsan ni Rowena! Parang... hay.
Meron na kaya iyong natitipuhan? Baka naman may kasintahan na... Wala naman siguro dahil hindi naman nabanggit ni Rowena. Ay, teka! Hindi ko pala natanong ang pangalan niya. Hay naku! Ang mangmang ko naman!
Sa kaiisip sa kanya ay nakatulog na rin ako. Matapos ang sampung oras ng pagtulog ay ginising na ako ni Rica, ang aking personal na katulong.
"Senyorita Thalia, bumangon na po kayo! Nakahanda na ang almusal!" paggising niya sa akin.

BINABASA MO ANG
From 1889
Teen FictionShe's a girl from the past. But what if... She accidentally time-traveled to the future? - Read now! Note: I seriously don't know kung Fantasy or Teen Fiction ang genre nito. Lol. Heeeeeelp!