Ikatlong Kabanata

27 2 4
                                    


Sino ba ang mas maganda?

-

Thalia's

Mayo 11, 1888
7:30 am

-

Kasalukuyan akong nakahiga sa aking kama at nakatingin sa kisame ng aking kwarto.

Mayroon akong kulay tsokolateng kisame na gawa sa kahoy. Ganoon na rin ang aking pader at sahig.

Nasa gitna ang aking kama na may kulay puting kumot at may apat akong kulay asul na unan.

Sa kanan ng aking kama ay
bintana at isang medyo maliit
na lamesa. Sa kaliwa naman ay     
mayroong malaking larawan na         nakasabit sa pader.

Larawan ko ito na may hawak na pamaypay, pininta pa ito ni Fernando
Amorsolo, may pirma niya sa baba ng larawan.

Ako'y mayroon ding isang lalagyan
ng damit na kulay puti rin sa harap
ng aking kama, at sa kaliwa nito ay pintuan patungo sa aking banyo. Mayroon ding isang upuan at
salamin sa harap (vanity table, hehe) sa kanan ng lalagyan ng aking damit.

Ako'y pumunta sa banyo at naghilamos. Hinanda na ni Rica
ang isang puting baro at dilaw na
saya na aking sinuot. Kinuha ko
ang pula kong pamaypay at lumabas
na ng aking kwarto.

Ako'y pumunta na sa hapag kainan
at nakita na wala pa si
Daniella. Syempre, siya naman
lagi ang napakatagal bumangon sa amin.

Mga 9:30 palang ata siya gumigising. Kung hindi lang siya ginigising ni Ofelia, ang kanyang personal na
katulong, ay hindi na siya
pakakainin ni Ina dahil ayaw ni
Ina na matagal bumangon si Daniella.

Matapos nang ilang minutong paghihintay kay Daniella ay, sa wakas, nakababa na rin siya.

"Magandang umaga, Ina!
Magandang umaga, Ama!
Magandang umaga, Thalia!" bati- sigaw ni Daniella sa amin. Anong mayroon dito? Bakit parang siya'y masyadong masigla? Ngumiti
naman si Ina at sinabing, "Magandang umaga." kay Daniella.

".....Magandang umaga?" sabi ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin at
umupo na sa pwesto niya. Si ama
ay nasa dulo, sa kanan niya ay si
Ina at ako sa kaliwa, katabi ko si Daniella.  5 upuan sa bawat
harapan at tig-isa sa dulo. Bale
labing-dalawa ang mga upuan. Naintindihan ninyo?

"Magandang umaga," bati naman ni Ama sa kanya. Nagsimula na siyang kumuha ng pagkain kaya kumain na rin kami.

-

10:55 am

Kasalukuyan akong nagaaral ng Aritmetika kahit na hindi naman namin pinagaaralan ang ganito sa aking paaralan dahil sa babae kami.

Ang mga babae kasi ay tinuturuan lamang ng pagluluto, paglilinis, pagbuburda, musika, pagdadasal
at iba pa. Pero dahil marunong
na ako sa lahat ng ito ay napag-desisyunan kong magaral ng mga pinagaaralan ng mga lalaki.

Nang ilipat ko na sa sunod na
pahina ang libro na binabasa ko ay
may kumatok sa aking kwarto.

"Pasok!" sabi ko at pumasok
ang aking kapatid na si
Daniella.

"Oh? Anong gagawin mo rito?" tanong ko sa kanya.

"Ayaw mo bang pumunta kina Teresita? Ang tagal na rin noong pumunta tayo roon, hindi ba?" sabi niya sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 30, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

From 1889Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon