Ikalawang Kabanata

45 3 87
                                    


Hi theeeeere! I, again, thank you for reading my story. Kahit na isa lang ata ang reader. Hehe.

riegoooo I dedicate this chapter to you kasi ikaw lang ata ang reader ko and I would also like to thank your votes and comments! Kailangan palang i-follow ka. Thanks ulit! <3

-

Criselda

-

Thalia's Point of View

Abril 9, 1888
12:10 pm

Kumain na kami sa mansyon ng mga Garcia at nagusap pa ng kaunti. Pagkatapos, sinundo na kami ni Andres at kasalukuyan kaming naglalakbay patungo sa aming hacienda.

"Kamusta mga senyorita?" tanong ni Andres.

"Mabuti naman," sagot ko.

"Ikaw, Da- Senyorita Daniella?"

"Ha? Ah, mabuti naman," sagot ng aking kapatid.

"Ah," sabi ni Andres at tumahimik na naman ang karwahe. Tanging ang bawat hakbang lang ng kabayo ang naririnig.

Nang nakarating na kami, binati kami ng aming mga magulang at ako'y pumasok na ng kwarto. Naligo ako, nagbasa, nagaral ng aritmetika (kahit na hindi namin, ang mga babae, pinagaaralan iyon) pinagaralan ko rin ang wikang Nihongo/Hapones at Espanyol at kumain na ng hapunan.

-

8:00 pm

Gabi na nga. Parang ang bilis, ah? Ako'y naghilamos at nagbihis. Matutulog na sana ako pero mayroong kumatok sa pintuan.

"Senyorita, ang gatas ho ninyo. Mukhang nakalimutan niyo dahil parang antok na kayo. Iinom pa ho ba kayo?" tanong niya.

"Pagod lang siguro, pero sige, iinom na ako," sabi ko sa kanya at inabot niya ang gatas na gabi-gabi kong iniinom.

Pagkatapos ay kinuha na niya ito at sinabing, "Sige ho, bababa na po ako. Sana'y makatulog po kayo ng maayos," sabi ni Rica.

"Salamat, ikaw din," sagot ko. Ngumiti siya at lumabas na.

Good night, ika nga sa Ingles. Pinagaralan ko ang wikang ito sa halos isang taon.

-

Abril 30, 1888

6:50 am

Kagigising ko lang. Ako'y naghilamos at bumaba na upang kumain ng almusal. Umalis sina Ama at Ina dahil may dadaluhin raw silang piyesta sa kabilang bayan.

Kasama ko si Rowena, Teresita at Daniella habang kumakain at nasa tabi naman ang mga katulong namin kung may kailangan man kami.

"Kamusta na kayo? Mahigit tatlong linggo na tayong hindi nagkikita. Bakit hindi kayo pumupunta sa aming hacienda?" mga tanong ni Rowena.

"Eh, ayaw namin. Kayo? Bakit ngayon lang kayo bumisita rito?" tanong ko pabalik sa kanya. Napa-irap siya at sinabing, "Tch! Napaka-sama mo talagang kaibigan, ano? Ayaw mo akong makita, ganoon?" sabi niya.

From 1889Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon