Poem Number one

4 0 0
                                    



January 5, 2018

Maraming bago ang nangyayari sa isang tao

Maraming bago na pwedeng magbago sa lahat ng bagay

Mga bagong pwedeng manira at bumuo,

Makasakit at makasaya.


Limang araw pagkatapos ng bagong taon

Mayroong bago na napapansin sa iba't ibang tao

Sa damit, bag o kahit sa baon

Pero iyong masakit, pati ugali nagbago.


Dating mabait bakit ngayon nagbago

Kung nasaktan man pwede bang manatili

Sapagkat kung nasaktan ka man pwede bang huwag magulo

Huwag magulo ang pagkakaibigang matagal na gustong makamit.


oo, lahat ng bagay ay nagbabago

at ang pagbabago ay hindi mapipigilan

pero pwede bang huwag magbago

sapagkat masasaktan kung kami may maiwanan.


Unheard MessagesWhere stories live. Discover now