Poem Number Four

5 0 0
                                    

Klima ng Buhay Pag-ibig



Sa pagpatak ng bawat patak ng ulan sa bubungan

Ay ang pagratsada naman ng alaala sa isip

Na para bang mga litrato sa telepono na pilit kinakalimutan

Sapagkat, sila itong mga memoryang gusto nang mawala sa isip.

Dahil sa pagpatak ng mga ulan ay ang pagpatak ng luha sa mukha

Luhang galing sa sakit sa mga memoryang iyong iniwan

Memoryang kahit gustong ulitin ay hindi na kaya

Sapagkat iba na ang gustong kasama sa mga larawan.

Sa pagtama ng kidlat ay pagliwanag ng isipan

Na kahit kailan ang mahal ay hindi na pwedeng maangkin

Sapagkat kasing linaw na ng kidlat ang gusto ng iyong kalooban,

Na nasa iba na ang pagmamahal na minsa'y naging akin.

Palaging kasama ng kidlat ang isang malakas na kulog

Kasinglakas ng sigaw ng sakit ng aking damdamin

Sapagkat ang aking pag-ibig ay hulog na hulog

Sa babaeng akala ko na panghabang buhay na akin.

Pagkatapos ng bawat ulan, sisikat ang araw

Sisikat ang mga pag-asang ako'y makakalimot

Sa lahat ng sakit na iyong binaon sa araw-araw

At makakabangon sa mga sakit at poot.

Kung ika'y sweswertehin, bahaghari ay pwedeng lumitaw

na para bang babae na pwedeng magpawi sa iyong lungkot

gamit ang ngiting nakakatunaw

at magbibigay pag-asa sa iyong pusong natatakot.

Kaya ang mga problema ay maihahambing sa mahinang ulan lamang

Kahit kailan hindi ito magtatagal sa iyong buhay

Sapagkat magbibigay lamang ito ng aral sa iyong buhay habang

Ikaw ay naghahanap ng isang masisilungang bahay

O kaya payong na pwedeng prumotekta sa isang mangmang

Na naghahanap ng taong magbibigay kulay

Sa walang kabuhay buhay na mundong

Ginagalawan sa buong buhay niya.

Kaya maghanap ng payong at matutong mag-isa

Sa mundong may bilyon-bilyong katao

Dahil ika'y mahihirapan

Sa paghahanap ng isang katuwang habangbuhay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 05, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unheard MessagesWhere stories live. Discover now