Prologue

6 1 0
                                    

"Kuya! Late ka na daw sabi ni mama!"

5:30 am palang naman .. 8:00 am pa pasok ko anong late dun?

Teka ... Panong may pasok? Pambihira talaga!

Nag takip naman ako ng unan sa mukha at dumapa sa kama ko.

Naramdaman ko naman na may nag bukas ng pinto ng kwarto ko dahan dahan pa ..

"Hoy! Lalake gising na!"

Bumalikwas naman ako ng bangon bigla. Ikaw ba naman hampasin ng nanay mo ng plangganang malake!

"Ma! Grabe ka naman ang harsh mo .."

Ang sabi ko habang himas himas ko ang ulo ko..

Pero sa binti talaga ko hinampas.

"Hindi ba ang sabi ko sayo maaga kang gumising dahil nga.." Napahinto naman si Mama sa sasabihin nya. Alam ko na.

"Pupunta tayo ng maaga sa lolo mo.. "

Natahimik naman kami ni Mama.

"Sige na. Mag ayos ka na. Hihintayin kita sa baba.."

Nakatingin lang ako sa pinto ng kwarto ko na pinag labasan ni Mama. Napabuntong hininga nalang ako.

--------------------------------------------------

"Pa .. Good morning po. Tanghali na pala. Hahaha pasensya na po. Eto kasing apo nyo ang kupad kumilos."

Halata sa boses ni Mama na pilit nya lang pinapasigla ang sarili nya. Hindi talaga marunong mag tago ng nararamdaman si Mama.

Habang inaayos ni Mama ang mga bulaklak sa puntod ni Lolo. Ako naman nakatayo lang dito hawak hawak ang kamay ng kapatid ko.

1st death aniversary kasi ni Lolo ngayon. November 1, kaya noong nakaraang taon ay November 1 din noong binawian sya ng buhay.

"Pa .. Miss na miss kana namin ..."- Mama

Umiiyak na si mama .. At dahil sa hindi ko kayang makita si Mama. Binaling ko nalang ang tingin ko sa iba pero yun pala ang pinaka malaking pag kakamali ko.

Nakita ko na naman sya kasama ang mga alagad nya.

May susunduin na naman pala itong kulogo na 'to.

Nakatingin lang ako sa kanya ng bigla nyang ibaling ang tingin nya sakin.

Putcha! bigla naman ako ng iwas ng tingin na parang wala lang. Tangina! Nakita kaya nung gago na yun na nakatingin ako sa kanya.

Hindi na ulit ako bumaling sa gawi ng Tropang kulogo dahil baka imbis na iba sunduin nila ako nalang isama nila. Bwiset.

"Niel. Tara na. "- Mama

"Opo."

"Kuya. Hindi na po ba babalik si Lolo?"

Napatigil naman ako sa tanong ni Nathan. Bata pa si Nathan at hindi ko rin alam ang isasagot sa kanya.

"Hindi na. Kasi.. Ano.. Nasa maganda na syang lugar ngayon at alam ko .. Kahit nandoon sya .. Hindi nya parin tayo makakalimutan .."

"Pano kung dahil sa lugar na iyon hindi nya na tayo maisip pa? O maalala?"

Huminto naman kami sa pag lalakad at tumingin sakin si Mama. Umupo ako para makapantay ko si Nathan.

"Pwedeng makalimot ang isip. Pero ang puso. Hindi makakalimot .."

Ngumiti naman si Nathan at niyakap ako. Tumingin naman ako kay Mama at nginitian din ako.

Mission Inside The BottleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon