Otso (Need to talk)

2 0 0
                                    

Sam

"Pambihira! Kairi gusto mo tumawag ako ng hotline ng mental hospital? Malala kana ehh."

Pano ba naman yung susi na pinakita nya sa akin ay susi ng kadena ng kariton na nandito sa loob ng parking lot. Putek na! Malala na nga itong isang 'to.

Pag katapos nya baklasin ang kadena ng kariton tumayo na sya sa harap ko habang tulak ang kariton. Napatingin naman ako sa kanya ng nakanganga. Grabe pambihira talaga tong isang 'to.

"I'm ok. Don't worry."- Kairi

Nauna naman sya habang tulak yung kariton at kumakanta pa. Jusko tulungan nyo po si Kairi.

Tulak tulak nya yung kariton hanggang sa makalabas kami ng Parking lot ng campus.

Pag labas namin lumiko naman sya sa isang eskinita sa gilid ng campus. Nagulat ako sa nakita ko.

Huminto si Kairi sa harap ng isang matandang lalaki na pulubi. Yumukod naman sya at nginitian ang matandang lalaki.

" Oh! Tatay, eto na po yung kariton nyo. Mamaya ho ulit kukunin ko iyan para ako ang mag bantay. Ok po ba'yon?"- Kairi

Tumango naman ang matandang lalaki na may ngiti sa labi. May binigay ito kay Kairi na isang tali na pinag buhol buhol para maka-buo ng isang pigura.

Buong pusong ngiti naman itong tinanggap ni Kairi. Ang bait naman nya.

Bago umalis si Kairi binigyan nya ng pera ang matanda.

" Tatay kumain po kayo ng marami ha. Staka po wag na kayo mag stay dito alam nyo naman pong maraming siraulo dito ehh. Yung tinuro ko po sa inyong lugar kahapon doon na lang po kayo."- Kairi

"Kairi, hinihintay ako ng apo ko dito kaya bumabalik ako. Mamaya mag kasalisi pa kami."- Tatay

Tumango tango lang si Kairi at tumayo na.

" Sige po kayo ang bahala pero mag iingat po kayo dito. Mauuna na ho ako. Kumain po kayo ng marami, babalik ho ako dito mamaya."- Kairi

"Sige na may date pa ata kayo ng girlfriend mo."- Tatay

Tumingin naman sa akin ang matanda na nakangiti. Nagulat ako pero nginitian ko lang si Tatay. Tumingin naman sakin si Kairi na nakangiti at lumapit sa akin. Inakbayan nya naman ako. Abat! Nakakadami na itong isang 'to ahh.

" Aba ! Oo naman po mag eenjoy po kami. Ba-bye po."- Kairi

Hinayaan ko nalang si Kairi at nag paalam na'rin sa matanda.

Nang makalabas kami ng eskinita mag tatanong na sana ko nang biglang may huminto sa harap namin ng naka Ducati. Woah!

Bumaba naman ang lalaking nakasakay sa motor siklo at lumapit kay Kairi. Ganun nalang ang gulat ko ng huminto ito sa harap ni Kairi at may inabot na dalawang helmet kay Kairi, yumuko ito at umalis na.

Hindi pa'rin ako maka get over kaya hinila ko ni Kairi sa harap ng motor at sinuot sakin ang helmet.

"Kala ko ba.... si Herbi..."

"He's not a car. He is a motorcycle."- Kairi

Napanganga nalang ako ng ngumisi sya at bigla akong hinampas ng appeal nya. Wooaaahh! Grabe!

Sumakay naman sya sa motor ako naman itong nakatayo parin dahil unexpected talaga ako.

" Get ride or ako pa ang bubuhat sayo pa sakay."- Kairi

Naalarma naman ako at umangkas na ako sa likod ng Ducati nya. Narinig ko naman ang mahina nyang tawa. Baliw.

After mga one hour yata na byahe nakarating na kami sa star city. Ngayon ko lang na realize ang tagal na palang hindi ako nakakapunta dito sa star city ang last ride ko yata dito mga twelve yeard old ako.

Mission Inside The BottleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon