Uno (The Kulugo squad)

4 1 0
                                    


After 1 week...

One week na ang nakakalipas simula nang ma-aksidente si Samantha at hanggang ngayon hindi parin sya na kakabalik sa katawan nya. Oo buhay si Sam pero comatose sya. Nasa tabi lang lagi ni Sam ang katawan nya. Buti nga hindi ko pa nakikita ang kulugo boys ligtas pa si Sam hanggat wala sila.

Everyday lagi kong binibisita si Sam sa ospital. Kaya nga minsan nakong natanong ng mga magulang ni Samantha kung nobyo daw ba ako ng anak nila. Mabilis naman akong tumanggi pero nakaramdam din ako ng konting pang hihinayang. Kinakabahan ako na baka biglang dumating ang kulugo boys. Delikado pa naman yung mga yun.

At hanggang ngayon hindi parin makapaniwala si Sam sa nangyayari sa kanya. Lagi nyang kinakausap ang mama nya at ang papa nya pag dumarating ang mga ito, pero syempre dahil hindi sya nakikita no response ang mama at papa nya.

"Ok class dismissed."

Lumabas naman agad ako ng classroom pag tapos ng last class ko. Katulad ng nakagawian, pupunta ko sa ospital para dalawin si Sam.

"Niel! Saglit lang!"

Napalingon naman ako kay Jerico dahil sa pag tawag nya sakin. Huminto ako at hinintay ko syang makalapit sakin. Kumapit pa ito sa balikat ko at yumukod para huminga ng kaonti. Parang nag marathon ang gago.

"Bakit?"

Tumingin si Jerico sakin.

"Pupuntahan mo si Samantha?"

Tumango lang ako. Matagal ko ng kaibigan si Jerico Sandoval, since high school mag kaibigan na kami, sya at si Samantha lang yata nag tiyaga sa ugali ko.

"Sabay na tayo may dadaanan lang ako."

"Same way rin ng pupuntahan ko?"

Alanganin naman syang sumagot.

"Y-yeah."

Hindi ko na sya masyadong pinansin at sabay na kaming pumunta sa ospital. Buti nalang may kotse 'tong kumag na'to, mas mainam dahil hindi na kami masyadong na traffic.

Napatingin naman ako sa kanya.

"Jer, diba ang sabi mo may dadaanan ka?"

Nag kamot naman sya sa likod ng ulo at ngumiti ng alanganin. Don't tell me–

"Are you planing to visit Samantha?"

Mabilis naman syang umiling. Buti naman kung ganun. Kala ko maagawan pako eh.

"Hinatid mo lang ba'ko dito? How sweet.. C'mon let me kiss you."

Akmang hahalikan ko sya sa pisngi ng bigla sinara ang pinto ng kotse at humarurot paalis. Natawa naman ako sa reaction ng gago. Bading! Ganito talaga kami mag biruan ni Jerico bromance kumbaga, he's like my brother kaya naman ganun nalang ako ka komportable sa kanya.

Nag lakad nako papasok ng ospital ng may makasalubong akong nakakasira na araw. Bwiset.

"Son? What are you doing here?."

Tinignan ko lang sya at nag patuloy na sa pag lalakad. Ano bang pakielam nya kung bakit ako nandito. Naramdaman ko naman ang marahan nyang pag sunod sakin. Fuck!

"Alam nyo dapat nag panggap nalang ho kayo na hindi nyo ko nakita."

Napatigil naman sya kaya nag patuloy nako sa pag lakad. Bakit ko ba nakalimutan na ceo pala sya ng limang nag lalakihang ospital dito sa pilipinas. Well alam ko masaya sya sa pera nya.

Pag dating ko kwarto ni Sam, nakita ko naman tulog na tulog parin ang katawan nya samantalang ang kaluluwa nya nandito sa tabi ko at ang sama ng tingin sakin.

Mission Inside The BottleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon