Syete ( Kairi )

0 0 0
                                    

Sam

Isang linggo na simula nung nangyari ang pag aaway ni Harry at Logan.

Isang linggo ko na 'rin silang hindi pinapansin. Kinukulit nila ko pero hindi ko sila pinapansin.

Hah! parusa yan dahil sa pag aaway nila. Bad naba ko nun?

Eh kahit na kasalanan parin nila yun. Bahala sila.

Nagulat naman ako ng biglang may tumabi sa akin at may nilapag na nakatuping papel sa harap ko.

"Pinapabigay ni Niel. This time sana daw basahin mo na."- Kairi

Napatingin naman ako sa'kanya at tumingin sa papel. This past one week naging ka-close ko na rin itong si Kairi paano sya yung laging tiga-abot ng sulat ni Harry para sa akin.

Nag tataka lang ako, pwede nya naman i-text nalang bakit may pasulat-sulat pa syang nalalaman.

Kinuha ko naman ang sulat at nilagay sa bag ko, na binigay sakin ni Kairi.

"Hindi mo na naman babasahin?"- Kairi

Binigyan ko naman sya ng bored look at nag patuloy na sa binabasa ko tungkol sa paranormal and supernatural investigation.

Lumipat naman sya sa upuan sa harap ko at inagaw sakin ang libro na binabasa ko.

"Kairi! ano ba! akin na yan!"

Pabulong ko lang yang sigaw dahil nasa library kami ngayon. Eto naman si Kairi tumatango tango pa while flipping the page. Haaayyy..

"Ano ba talagang nangyari sa inyo ni Niel ?"- Kairi

"Wala kana dun."

"Kaibigan ko si Niel kaya may pakielam ako."- Kairi

Napatingin naman ako sa kanya. Tumigil naman nako sa pag agaw sakanya ng libro dahil nadaanan kami ng librarian baka daw masira yung libro pag pinag agawan pa namin.

Nang hindi ako sumagot napabuntong hininga nalang sya. Tumayo sya sa harap ko at nilahad ang kamay nya.

"Ano yan?"

"Tara star city tayo."- Kairi

"Huh? star city ka dyan may klase ka pa kaya."

Kinuha ko naman yung libro na nilapag nya, na inagaw nya sakin kanina.

Kinuha nya na naman yung libro at nilagay sa book shelf. Bumalik naman sya sa harap ko at nilahad na naman ang kamay nya sa harap ko.

Ang kulit talaga ng isang 'to.

Nangalumbaba naman ako sa harap nya.

"4:00pm palang diba may klase kapa. Ano yun mag ka-cutting ka?"

"Why not? ngayon lang naman ehh."- Kairi

Napa nganga naman ako sa sinabi nya. Running honor student ba talaga itong kausap ko?

Napangiti naman sya at hinila nako sa braso palabas ng library.

Nadaanan naman namin si Harry na nakasandal sa may locker na akala mong model ng bench. Ang gwapo talaga ehh.

Tumigil naman kami sa harap ni Harry at parang gulat na gulat ito ng makita kami ni Kairi kaya na paayos ito ng tayo. Nag salitsalitan ang tingin nya samin ni Kairi.

"Teka, anong—"

"Bro, hihiramin ko muna si Sam, mag de-date lang kami."- Kairi

Nanlaki naman ang mata ko at tumingin kay Kairi. Eto namang si Kairi todo ngiti lang. Pag tingin ko naman kay Harry ang dilim ng mukha.

Yari na. This past few days laging ganito ang mukha ni Harry pag may nakakasama akong lalaki.

Kunwari nag lalakad ako tapos biglang may bumabati sakin na poging binata tapos babatiin ko din, ang gagawin nya bigla nalang akong hihilahin kung saan.

May time pa nga na mayroong isang engineer student dito sa campus na nakipag kwentuhan sa akin sa library, bigla nya kong hinapit sa bewang sabihin ba naman na boyfriend ko sya. Mag sasalita na sana ko ng takpan nya yung bibig ko at sinabi sa engineer student na gutom daw kasi ako.

Ang dami pang ka ewan ewan na pinag gagawa nito ni Harry pag may kaharap akong ibang lalaki.

Ako lang ba'to? O parang nag seselos sya pag may kausap akong ibang lalaki. Pero aaminin ko kinikilig ako sa way ng pagiging possesive nya. Hahaha.

" Kairi as I told you, you need to give the letter to Sam. But what are you doing."- Harry

Natakot naman ako sa tono ng boses ni Harry kaya bumibitaw nako kay Kairi eto namang isa nilagay yung braso nya payakap sa bewang ko. Lintik! Bakit ba lagi akong napapaligiran ng mga ganitong lalaki.

Tumingin naman ako kay Kairi ng 'bitawan mo ko' look pero eto namang isa ngumisi ng nakakaloko.

Nako kinakabahan ako sa paganyan ganyan ni Kairi ehh.

"Let go of her Kairi or else i will forget na kaibigan kita."- Harry

" Chill bro. Ako na bahala kay Sam. Bye."- Kairi

Bigla naman na'kong hinila ni Kairi. Napatingin naman ako kay Harry. Nakayukom ang kamao at masama ang tingin sa amin.

Jusko! Bakit ba ako napasok sa ganitong sitwasyon. Ang huling check ko naman sa buhay ko kailangan ko lang mangolekta ng heart and star shapes. Para nang sa ganun makabalik ako sa katawan ko.

"Kairi ok ka lang ba?"

"Yep!"- Kairi

" Wala ka bang nasinghot na kung ano? O kaya naman nainom?"

Umiling naman sya habang hawak parin ako sa braso. Papunta kami ngayon ng parking lot ayaw nya daw kasi may commute ma-traffic daw kaya may dadalhin nya nalang daw yung herbi nya. Ganun parin naman yun ehh mata-tragffic din kami.

"Ahh akala ko kasi nakasinghot ka ng katol."

Lumingon naman sya sakin ng may pag tataka.

"What? I didn't hear you."- Kairi

Umirap nalang ako. Putek! Ang sakiy na ng paa ko ahh, Ilang kotse na ang nadaanan namin dito sa parkin area pero wala pa'rin yung sasakyan nya.

Kinalabit ko naman sya dahil binitawan nya na ang braso ko kanina pag baba namin dito sa parking area.

Lumingon naman sya sakin habang nakataas ang dalawang kilay.

" Nasan ba talaga yung Herbi mo? Ehh ilang kotse na nadaanan natin dito, halos makakalahati na natin ng libot itong parking lot."

"Sino ba nag sabi na kotse si Herbi ko?"- Kairi

Napatigil naman ako sa pag lalakad at tumingin sa kanya habang naka-nganga. Yung totoo?

Tumigil din sya sa pag lalakad at biglang humarap sa'kin. Ngumiti naman sya ng nakakaloko.

" Bahala ka nga dyan babalik nalang akong library."

Umikot na ako pabalik sana ng bigla syang humarang sa harapan ko at naka wide spread pa ang dalawang braso nya.

May pinakita na sya sa'king susi.

"Chill ka lang kasi, Sam. Wait lang tara dito dali."- Kairi

Hinila nya naman ako patakbo.




---------------------------------------------------
-Ms.Gg

Mission Inside The BottleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon