Dos (Jeffry Logan)

5 1 0
                                    

"Ano bang sinasabi mo ha?!"

Eto namang katabi ko nag ba-blush pa! Multo na nga kinikilig pa bwiset.

"Relax. Deffensive masyado."

"Pwede ba itikom mo yang bibig mo kahit na grim reaper ka bibigwasan kita! Ang dami mong kalokohan! Umalis ka na nga!"

"We don't give a shit. Deretsyahin mo nalang kami."

"I just want to give you a chill, kahit papaano masyado kang pressured ehh."

Bwiset.

"Let me introduced my very handsome self first. I'm Jeffry Logan and I'm a grim reaper it's nice to meet you."

Nakipag kamay naman si Logan kay Samantha at sakin.

"Grim reaper?"

"Grim reaper? Hindi mo alam?"

Umiling lang si Sam at nag katinginan kami ni Logan.

Pambihira ka-talinong babae hindi alam ang Grim Reaper.

Tinignan ko naman ulit si Logan at nag bigay ng 'ikaw na bahala' look.

"Samantha. Grim reaper. Taga sundo ng mga kaluluwa. Kaya delikado ang lalaking yan lalo na ngayon malapit ka sakanya. Baka bigla ka nalang nyang kunin."

"Hindi naman halatang galit ka sakin."

Napatingin naman ako kay Grim. Pakielam nya ba.
Sandali naman na paisip si Samantha. At nung tumingin sya sakin.

Tumingin naman sya ulit kay Logan.

Ngumiti sya.

Nagulat naman kami sa sunod nyang ginawa.

Tumakbo sya ng yakap kay Logan na kala mong matagal nya ng kilala si Logan at kagagaling lang abroad at ten years ng hindi na kakauwi.

Nagulat naman si Logan sa ginawa ni Samantha. Bwiset! Mukhang grim reaper pa makakaribal ko.

Kaso bakit ganun parang naiinis ako nagusto ko sapakin si Logan.

"Hindi naman pala pangit si kamatayan ehh."

Umalis na si Samantha sa pag kakayakap nya kay Logan at ang laki ng ngiti habang nakatingin kay Logan.

Kaso ano ulit yung sinabi nya?

"Kamatayan?"

"Hahahahahahahahahahaha si kamatayan ka pala ehh hahahahahahahaha."

Grabe ang galing talaga bumanat nito ni Samantha ehh.

Si Logan naman ang sama ng tingin sakin. Pero ako tuloy lang sa pag tawa.

Samantalang si Sam napaka inosente ng mukha.

"I'm not kamatayan ok. Sa gwapo kong ito? Sus! I'm not him ok. And you! can you please shut up."

Pero ako patuloy lang sa pagtawa. Bakit ba gusto ko tumawa eh.

"Panong iba ehh. Nag susundo ka ng kaluluwa diba? Kaya dapat tawag sayo si kamatayan. Staka isa pa nag disguise kaba? Diba dapat bungo lang mukha mo at naka hood ka na black na may hawak na ano ba yun yung parang itak na mahaba yung hawakan ganun."

"Hahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaha."

"Hey! You shut up. Kung hindi iitakin kita dyan!"- Logan

Pero ako patuloy parin sa pagtawa. Pambihira ka Sam hindi ko alam na komedyante ka pala.

Eto naman si Logan halatang na stress sa sinabi ni Sam. Hahahahahahaha.

"Ok ... Ok .. Whoo! Ok na nakarecover na ko. Hahahahaha."

"Tama na nga. Ok. Let's go to the real business."- Logan

Napatigil naman ako. Pero nakakatawa parin. Konti.

May nilabas si Logan na maliit na bote na kasing laki ng baby oil.

Binigay nya ito kay Sam. Teka? Anong gagawin ni Sam dito?

"You need to fullfill this bottle and pwede kanang bumalik sa katawan mo. You know wala ka patalaga sa listahan ko pero dahil sa mga pinag sasabi mo sakin pwede kitang unahin sa iba ko pang susunduin."- Logan

"Joke lang binibiro lang naman kita ehh hindi ka naman mabiro hehehe."- Sam

Ako naman dito medyo natatawa parin.

"Sandali paano nga pala malalagyan ng laman ni Sam yang bote?"

"You need to collect the happiness and contentment."

"Huh? Pano ko naman maiilalagay ang happiness and contentment sa loob ng bote na'to?"

"Bigla nalang lilitaw ang star at heart shapes dyan sa loob ng bottle. Kailangan mo mapuno ang bottle na yan you have a half year to fullfill that bottle."

"Paano yun? Ehh kaluluwa na nga lang ako diba. Kung kailangan kong mapuno ang bote na ito ng happiness and contentment kailangan ko tumulong sa mga tao. Pero pano? Hindi nga nila ako nakikita."

She has a point. Pano yun?

"Babalik ka sa pagiging tao. But hindi ka babalik sa katawan mo. Ipe-preserve ni Medo ang katawan mo at sya na ang bahala sa lahat. Don't worry. Ang kailangan mo lang naman mapuno iyan hanggang sa matapos ang palugit mo wala ka nang kailangan problemahin."

"Pano kung hindi nya mapuno ang bote na yan pero tapos na ang palugit nya?"

"Kailangan mo ng sumama sakin. Ganun lang yun. Binigyan ka ng second chance na mabuhay ulit pero may condition na kaya sana wag mong sayangin."

"Oo naman. Salamat Logan."- Sam

Napansin ko naman na parang nagulat si Logan at napangiti kay Samantha.
Saan sya nagulat sa pag tawag ni Sam ng pangalan nya?

"Don't worry i'll help you."

"Naku! Salamat talaga ahh."

Nginitian naman sya ni Sam.

Teka sya lang ba?

"You don't need a help Samantha nandito ko para tulungan ka kaya hindi mo na kailangan ng tulong ng iba."

"Alam ko naman yun ehh. Kasi laging nasa tabi ko. Salamat. Harry."

Dug. Dug. Dug. Dug. Dug. Dug. Dug.

Napahawak naman ako sa dibdib ko. Habang nakangiti sakin si Samantha.

"So .. This is the start?"- Logan

Napatingin naman kami sa kanya.

Napangiti naman si Sam.

"Oo naman! Para sa pamilya ko at para sakin. At para kay Harry. At para kay Logan. Fighting!"- Sam

Nagulat naman ako sa sinabi nya anong para sakin?

Dug.. Dug.. Dug.. Dug.. Dug..

Napansin ko naman si Logan nakatingin kay Sam. Mukhang nagulat pa ata sa sinabi ni Sam.

Pero bakit ganun. Bakit kailangan nya pang idamay yung pangalan ni Logan.

Ako na lang dapat. Dapat para saming dalawa lang ni Sam.

Nakakainis.

"Huy! Anyare sa inyo bakit natahimik kayo dyan?"- Sam

Nagulat naman ako ng hawakan ni Sam ang kamay ko at .. Bakit pati yung kay Logan?!

"Sabi nyo tutulungan nyo ako diba? Ngayon palang nag papasalamag nako. Salamat. Thank you."- Sam

Napatitig naman ako kay Sam.

Wag kanaman ganyan baka mahulog ako sayo..

"Let's get it on!"- Sam

Ang alin.. Ang mahulog ako ng tuluyan sayo? O ang kasama ka sa pagsubok na ito?






--------------------------------------------------------
- Gg

Mission Inside The BottleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon