Chapter 4

76 7 0
                                    

"I miss it, Syd," nakangiting sabi ni Luke habang matamang nakatingin sa mukha niya. Bigla tuloy siyang natauhan at kaagad na pinalis ang ngiting gumuhit sa kaniyang mukha.

Hindi tuloy niya malaman kung anong sasabihin sa sinabi nito. Kailangan ba niyang sabihin na na-miss din niya ito? Na kahit napakatagal nang panahon ang lumipas ay ito pa rin? Ito pa rin ang nag-iisang tao na nakakapaghatid sa kaniya ng isang estrangherong pakiramdam na nagiging pamilyar lamang sa tuwing nasa malapit ito? Napatikhim nalang siya at umubo-ubo, "t-thank you."

Lumakad siya palayo rito at pinagdiskitahan ang mga dahong kasama niyang nagtatampisaw sa tubig. Dito niya itinuon ang kaniyang sarili at isa isang pinagdadampot ang mga ito na para bang kinukolekta niya.

"Here," ani Luke at iniabot sa kaniya ang dahong hawak nito. Napatingin siya rito at hindi niya mabasa ang anumang tumatakbo sa isip nito. Nagtataka man sa pag-abot nito sa kaniya ng dahon ay kinuha niya pa rin ito.

"Thanks," tipid na sabi niya at nagsimulang luminga sa kabuuan ng pool para maghanap ng dahon.

"Kung alam ko lang na pagpupulot pala ng dahon ang aatupagin natin dito..." kausap nitong muli sa kaniya at may inabot na namang dahon. Kanina pa niya napapansing nakasunod lamang ito sa kaniya habang kuntodo effort naman siyang dumistansiya dito. "...sana pinaputol ko na 'yong puno na 'yan," dugtong nito sa sinasabi na siya namang ikinakunot ng kaniyang noo.

"Bakit mo naman ipapaputol?" tanong niya.

"Galit ka ba sa akin? Or should I say, galit ka pa rin ba sa akin?" tanong nito sa halip na sagutin ang tanong niya.

Natigilan naman siya sa tanong nito at para bang nanikip ang dibdib niya. Iyong tipo ng paninikip na pangangapusan ka ng hininga dahil sa kaba at takot. Kabang naglalakbay ngayon sa kaniyang puso at takot na malaman nito kung ano ang kasalukuyan niyang nararamdaman para dito.

Tinawid nito ang pagitan nilang dalawa. Hinawakan nito ang kaniyang braso at hinawi nito ang buhok na nasa kaniyang pisngi. Iniipit nito ang buhok sa likod ng kaniyang tainga at mataman siya nitong tinitigan sa kaniyang mata. Para bang inuungkat nito sa kaniyang paningin ang kasagutan sa tanong nito. Para bang nais nitong sisirin ang kailaliman ng kaniyang kaluluwa na tanging mga mata lamang niya ang may kakayahang magsalita kahit walang mamutawing mga salita sa kaniyang bibig.

"Syd?"

Napaiwas siya ng tingin at tinanggal ang kamay nitong nakahawak sa kaniya. Ngunit nabigo lamang siya. Dahil imbes na makawala rito'y mas lalo lamang nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kaniya.

Napatingin na lang siya sa langit at humugot muli ng isang malalim na hininga. "Luke, madilim 'yong langit. Uulan. Kailangan ko nang bumalik sa loob."

"So? Basa naman na tayo. Walang dahilan para umiwas sa ulan. Tell me, Syd. Iniiwasan mo ba ako?"

Nakukulitan na siya rito. Bakit ba gustong gusto nitong malaman ang sagot niya? Gugustuhin ba talaga nitong malaman na totoong galit pa rin siya rito. Na totoong iniiwasan niya ito. Na totoong hindi pa rin siya nakakalimot sa huling beses na nagkita sila. Noong araw na ipanamukha nito sa kaniya kung gaano nito mas pinahalagahan ang relasyon kay Lindsay kumpara sa pagkakaibigan nila. And speaking of Lindsay? Marahil ay silang dalawa pa rin. Naalala niya minsan noong nadulas ang kaniyang pinsan sa pagkukwento sa kaniya ilang taon na rin ang nakakalipas.

"Syd! Alam mo ba, ikakasal na si Melchor next month. Kilala mo pa naman siya 'di ba?"

Naalala nga niya si Melchor. Ito ang president ng Student Council noong last year nila sa high school. He's also her classmate since elementary days. Who would forget him? Especially his efforts to catch her attention. She remember how desperate he was to get her yes while she kept on rejecting him. And seeing him doing such thing for her? Masasabi niya kung gaano ka-determined at katiyagang tao ang kaklase.

My Man in the Mirror (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon