Right Love, Right Person
Saksi si Maurice sa pag-iibigan ng kaniyang matalik na kaibigang si Jace at nobya nito. Nakita niya kung paano nabuo ang pag-iibigan ng dalawa, maging ang mga gusot at solusyong pinagdaanan nila. Ngunit isang araw, ang magandang takbo ng kwento ng mga ito ay naglaho. Ang dating masaya't punong-puno ng pagmamahal na mukha ni Jace ay tila nabaliktad na. Araw-araw siyang naging saksi sa pagluluksa nito. At sa hindi malamang kadahilanan, nasasaktan din siya at nahihirapan para sa kaibigan. Naisin man niyang isampal dito ang katotohang hindi na kailanman babalik pa ang nobya nito ay hindi niya magawa. Alam niyang mas dodoble ang sakit na mararamdaman nito at kita niyang hindi pa rin matanggap ni Jace ang sinapit ng kanilang relasyon. Naaksidente kasi ang dalawa at si Jace lamang ang naka-survive sa insidente at alam niyang hindi pa rin ito matanggap ng kaibigan. Kaya ginawa niya ang lahat para kahit paano ay maibsan ang pait at sakit sa puso ng kaibigan. Sinikap niyang bigyan ng mas maayos na kahulugan at dahilan si Jace para mabuhay. Hanggang sa isang araw, nasaksihan na lamang nilang dalawa ang isang koneksiyon sa pagitan nila --- they fell for each other at sa huli ay naging sila. Mas naramdaman niya ang effort ni Jace sa kanilang relasyon pero hindi niya maiwasang masaktan. Sapagka't ang mga bagay na ginagawa nito ngayon sa kaniya ay ang mga bagay rin na ginawa nito noon kay Kyla --- ang yumao nitong nobya. Hindi niya tuloy matukoy kung talaga bang mahal siya ng binata o nakikita lamang nito sa kaniya ang dating nobya. Masakit palang maging kaagaw ang multo ng nakaraan at masakit palang maging karibal ang isang taong kailanman ay hindi na babalik pa.
---
Hope you'll support it guys! Happy readings! The story was published separately from this book. So if I were you, visit my account and click the story entitled, "Right Love, Right Person". God bless you! :)
BINABASA MO ANG
My Man in the Mirror (✔)
RomanceIsang hopeless romantic ang drama ni Sydney sa edad na bente siyete. No boyfriend since birth kasi siya at pressure na pressure na rin sa paligid niya. Makailang beses na siyang kinukuha sa entourage ng mga kaibigan niya at suki na rin siya sa panun...