SPECIAL CHAPTER

66 3 0
                                    

MAHIGPIT niyang niyakap ang asawa mula sa likuran. Kasalukuyan itong nagdidilig ng mga halaman sa kanilang garden. Bahagya rin niyang dinama ang baby bump nito. Yes, his wife was four months pregnant and he can't wait to finally saw their first fruit of love.

"Ano ba!" asik ni Sydney at binitiwan ang hose na hawak. Pilit nitong inaalis ang kamay niyang nakayakap dito. Sa halip na mainis ay tinawanan lang niya ito.

"Tinatawa tawa mong pangit ka?" patuloy nito sa pagsusungit.

Pinihit niya ito paharap sa kaniya at inayos ang hibla ng mga buhok na tumatabing sa mukha nito. Hindi niya maiwasang mapangiti sa itsura ng asawa. She still look gorgeous kahit pa hindi maayos ang itsura nito. He put his two thumb on her forehead. Na para bang sinasabi niyang tanggalin nito ang pagkakakunot ng noo nito.

"Hey!" patuloy na palag nito. Imbes na mainis ay mabilis niyang dinampian ng halik ang noo nito. Nang hindi makuntento ay hinalikan din niya ito sa tungki ng ilong maging sa labi nito.

"Aw, ang sweet naman!"

Napadako ang tingin niya sa pinanggalingan ng boses na iyon. This time, noo naman niya ang nangunot nang makita kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. At hindi lang nag-iisa ang taong iyon, they were complete.

"Nate!" tila nasasabik na tawag ni Sydney sa bagong dating. Mabilis itong nawala sa tabi niya at dinaluhan ang mga bagong dating.

"Kamusta na ang buntis? Pinapahirapan ka ba ng kolokoy mong asawa?" tanong ni Justine dito at maya-maya pa'y kumaway sa kaniya.

"Ano bang ginagawa ninyo rito?" singit niya. Bigla naman siyang hinampas sa braso ni Sydney. "Aray!" baling niya sa asawa at sinamaan lang siya nito ng tingin. Hay, kung hindi lang talaga naglilihi ang asawa ay iisipin niyang nagsisimula na siyang maging battered husband.

"Ano bang pakialam mo kung nandito sila? Ako ang nagpapunta sa kanila dito kaya pwede ba? Huwag kang epal!" anito at inismiran siya.

Hindi na lang siya pumalag dito at wala ng nagawa nang akayin nito ang mga bwisita papasok sa kanilang bahay. Noong una, wala lang para sa kaniya na ang Kolokoy Boys ang pinaglilihian ng asawa. Pero noong napadalas na ang pagdalaw ng mga ito at pangungulit sa kanila, nagsisimula na siyang mainis dahil sa atensiyong ibinubuhos ng asawa sa mga ito. Isa pang nakadagdag sa pagkaasiwa niya sa mga ito ay ang katotohanang nauubusan sila ng stock ng pagkain. Sa takaw ba naman ng mga kaibigan niya.

"Pangit! Anong tinatayo tayo mo riyan? Pumasok na tayo sa bahay," puna sa kaniya ni Sydney. Napangiti naman siya ng pagkalapad lapad.

"Akala ko nakalimutan mo na ako. Love na love mo talaga ako," hindi pa rin nawawala ang ngiting sabi niya.  That is what he loves about her. She never failed to make him feel love despite her weird attitude towards him these past few months.

"Ang dami mong alam, bahala ka nga riyan!" anito at tinalikuran siya. Nagpatiuna na ito sa paglakad at iiling iling na sinundan na lamang niya ito.

"PARE, ang sarap mo pa lang magluto," ani Elijah. Hindi niya malaman kung papuri ba iyon o ano. Sa katakawang taglay naman kasi ng mga ito, wala nang epekto sa kaniya kahit pa magpagawa ng monumento niya ang mga asungot na ito.

"Anong masarap dito? Ang pangit kaya ng lasa. Kasing pangit niya," singit naman ni Sydney. Nakakunot ang noong sumusubo ito ng pagkain.

"Ikaw na babae ka, nakakailan ka na sa akin ah. Tandaan mo, itong pangit na taong tinatawag mo. Ito ang taong pinantasya mo ng ilang taon at sobrang minahal mo."

Naghiyawan naman ang mga kasama nila na tila ba hindi inaasahan ang litanya niya. Kahit papaano, natuwa naman siya sa inakto ng mga ito. Para bang suportado ng mga loko ang sinabi niya. Ganoon na lang ang tuwang naramdaman niya nang manahimik ang asawa at namumula ito na para bang kinikilig. Maya-maya ay napahiyaw na lang siya nang walang pasabing pinukpok ng kutsara ni Sydney ang ulo niya.

My Man in the Mirror (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon