HALOS buong araw niyang inobserbahan si Luke. Hindi man niya gustuhin na isipin o intindihin pa ang presensiya ng binata ay hindi niya magawa. Kanina pa kapansin-pansin ang pananahimik nito mula nang matapos silang kumain ng tanghalian kanina. Nandoon na nasa loob lamang ito ng kubo habang masayang naglalangoy ang iba pa nilang kasama sa pool.
Hindi rin ito nakisama sa mga nag-iihaw ng barbe-q na sa pagkakaalam niya'y ito pa ang nagplano niyon. Halatang halata ang pananamlay nito at kawalan ng gana. Ultimo ang pangungulit nito sa kaniya na halos ilang araw rin niyang iniinda ay hindi nito ginawa.
Hindi tuloy niya maiwasang ma-guilty. Hindi man lantarang sinabi ni Luke na siya ang dahilan kung bakit ganoon ang ipinapakita nito ay ramdam niyang may kinalaman siya roon. Knowing Luke? He's the type of person na kayang iparamdam sa kahit na sino kung may problema ba ito sa iyo o wala. And thinking about the possibility slowly bother her.
Syd! You shouldn't care! protesta ng isang bahagi ng isip niya. Sa huli ay natagpuan na lamang niya ang sarili niyang mga paa na humahakbang palapit sa kubo.
Agad siyang naupo sa kaliwang bahagi ng kubo na pinagigitnaan ng kawayang lamesa. Nasa tapat niya naman nakaupo si Luke na hindi yata napansin ang presensiya niya. Abala ito sa pagbabasa sa hawak nitong libro.
"H-hello," naiilang na basag niya sa katahimikan.
Napaangat naman ang tingin nito at kita niyang tila may gumuhit na kung ano sa mga mata nito. Ngunit bago pa man niya mabigyang pangalan iyon ay agad na nitong binawi ang tingin sa kaniya at agad ibinalik ang tingin sa librong binabasa nito.
"A-anong binabasa mo?" muling kausap niya rito. Hindi maikakaila ang paghuhumiyaw ng kaniyang puso. Ito lamang ang tanging naririnig niya sa kasalukuyan, dala na rin marahil nang nakabibinging katahimikan.
"Do you know what happened to the Captain during the World War here in the Philippines?" he asked. His eyes were still focused on the book that he's holding.
Naguguluhan man sa tanong nito ay sinagot pa rin niya. "No," aniya at umiling.
"He sacrificed his life. He chose to stay there just to save someone important to his life. He chose Eddie's life more than himself," anito at binuklat ang kasunod na pahina ng libro.
Nanatili siyang tahimik habang pinagmamasdan ito. Sigurado siyang wala sa libro ang focus nito dahil sunod-sunod ang pagbubuklat nito habang patuloy na nagsasalita.
"...the moral lesson in this chapter was all about sacrifices. That sometimes, we need to sacrifice something precious for the one we care about or rather love. Kahit na masakit. Kahit na kaligayahan pa natin ang magiging kapalit."
Para namang may nagbara na kung ano sa lalamunan niya. Ayaw man niyang maapektuhan sa sinabi nito ay wala siyang magawa. Naalala tuloy niya ang ginawang paglayo. Ang pag-alis sa poder ng kaniyang lola para lamang makaiwas at para na rin sa ikaliligaya ng taong nasa harap niya. Hindi man sigurado sa naiisip ay nasasaktan siya. Siguro nga ay para sa kaniya ang mga sinabi nito kanina. Siguro nga ay masaya na talaga ito at anong malay niya? Baka nga happily married na ito kay Lindsay.
"N-napansin ko lang. H-hindi mo yata kasama si L-Lindsay?" parang may tinik sa lalamunang tanong niya. Masokista nga siguro siya para itanong pa ang isang bagay na hindi naman makakatulong sa ikaluluwag nang kaniyang dibdib. At mas lalo yatang lumiit ang espasyo ng mundo niya nang hindi nakawala sa kaniyang paningin ang kalungkutang gumuhit sa mga mata nito.
"The Five People You Meet in Heaven," sabi nito na halatang hindi sinagot ang kaniyang tanong.
"What?" nakakunot noong tanong niya. Hindi niya makuha ang koneksiyon niyon sa tanong niya.
BINABASA MO ANG
My Man in the Mirror (✔)
Любовные романыIsang hopeless romantic ang drama ni Sydney sa edad na bente siyete. No boyfriend since birth kasi siya at pressure na pressure na rin sa paligid niya. Makailang beses na siyang kinukuha sa entourage ng mga kaibigan niya at suki na rin siya sa panun...