*CHAPTER 17 - Part 2*
/Mary's POV/
Nakita ko kung paano ni-reject ni Jyra si Mark..
Sa lahat ng babae nakakasalamuha ni Mark, kay Jyra lang sya nagtapat ng nararamdaman nya.
Nag-sigh muna ako at lakas-loob kong pinuntahan si Mark.
"Mark.."
Dahan-dahan syang lumingon sa akin, napakalungkot ng mukha nya.
"Anong ginagawa mo dito? Leave me alone.."
"Mark, wala ka ng magagawa.. Naka-fixed marriage na tayo."
"I don't care. Kaya kita iniiwasan dahil sa lintek na fixed marriage na yan!"
Sa mga salita nyang 'yon parang dinurog ng pino ang puso ko. Pinipigilan ko ang sarili kong umiiyak.
"M-mark, mahal kita.." tuluyan ng tumulo ang mga luha ko.
"Wag ka ng umasang.. mahuhulog ako sayo.." tumayo sya at nagsimulang naglakad papalayo sa akin.
Napaupo na lang ako at humagulgol na lang ako.
- - - - -
/Jyra's POV/
Naglalakad na ko sa Hallway nang mapahinto ako ng makita na naman si Mark. Iniwasan ko ang mga tingin nya at tuloy-tuloy lang sa paglalakad.
Kaso agad nyang hinigit ang braso ko ulit.
"Mark, ano ba?" medyo na iinis na ko sa ugali ngayon ni Mark. "Tigilan mo na ko, please!"
"Hindi ko alam, pero ikaw ang nagustuhan ko."
Inalis ko braso ko sa pagkakahawak nya. "Hindi mo ba ko naiintindihan, kaibigan lang kita. At hanggang doon lang tayo. Kahit walang Mary dito, hindi pa rin kita... papatulan. Kaya please lang.. wag ako.." at agad na kong tumakbo.
- - - - -
Lumipas ang ilang araw na hindi walang pansinan o kibuan sa pagitan namin ni Mark.
Si Mary, hindi na naman ako pinapansin.
Lumabas na lang ako ng Lounge. oo nga pala, may guitar na ko kaso hindi ko dala ngayon nasa bahay. ^_^
Bahala na kung saan ako dalin ng mga paa ko.
~Rooftop~
Ngayon palang ako papasok dito kaya tutuloy na ko sa loob.
Dahan-dahan ko binukas ang pinto nang may narinig akong tunog ng gitara, may isang lalaking nakaupo lang sa sahig habang naggigitara. Teka, parang si.. Panget ito, ah!
"Van?"
Tumigil sya sa pag-strum at lumingon sya sa akin. "What?"
"Hindi ko alam na nandito ka. Wag kang mag-alala, sandali lang ako dito. Ngayon ko lang napasok ito." nag-unat-unat ako. "Haaaay~! Ang presko!"
Lumapit ako kay Van. "Panget, pwedeng magtanong? curious lang ako kasi ako.."
"Ano yun?" nakatingin lang sya sa gitara nya.
"Hmm, may girlfriend ka?"
Agad syang tumingin sa akin.
"Oo, bakit?"
"Talaga? Ahaha! Saludo naman ako sa girlfriend mo at natiis yang ugali mo!"
Sumama ang tingin nya sa akin.
*Insert sweet smile*
"Ahaha! Ikaw naman, biro lang!! HAHAHA!"
"Ikaw?"
Napatigil ako sa pagtawa. "Ako? Hmm, wala.. Hanggang crushes lang ako."
"Yung Jomar? -____-"
"Oo.. Mas hamak na mas gwapo pa sya sayo. ^____-" tumawa ulit ako. "NYAHAHA"
"I'm warning you." napatigil ulit ako sa pagtawa.
"Warning? o____O"
"Mag-ingat ka sa kanya."
"B-bakit naman?"
"Malalaman mo rin... sa tamang panahon.."
Pagkatapos tumayo na sya at naglakad na sya papalabas ng rooftop.
BINABASA MO ANG
She's the GIRL in my dreams (a gangster story) [FIN]
Teen FictionIto ay kwento tungkol sa isang lalaking ang weird minsan ng panagnip. Weird ito para sa kanya, lagi kasing may babaeng lumilitaw sa panaginip nya at humihingi ito ng tulong mula sakanya. May balak kaya nyang hanapin ang babaeng ito o ang babae ang m...