Teaser:
Alang-alang sa pangako ni Olivia sa namayapang nakatatandang kapatid ay lakas-loob siyang nagpakita kay George Montilla, ang masungit at seryosong kapatid ng asawa ng ate niya. Si George ang umaruga sa kambal na anak ng kapatid niya na siyang ipinangako niyang babawiin.
Para maisakatuparan ang pangako niyang pagbawi sa kambal ay nagkaroon sila ng kasunduan ni George. At iyon ay ang tumira siya sa bahay nito kasama ang kambal para pagsilbihan ang mga ito kapalit ng pagbibigay nito sa kanya sa kambal.
Ginawa niya ang lahat, nagtiis siya matupad lang ang kanyang pangako. Pero sa bawat araw na kasama niya si George ay kakaibang tibok ng puso niya ang naririnig niya. Namalayan na lang niyang tinutugon niya ang yakap at halik ng binata. Hanggang sa tuluyang mahulog ang loob niya kay George.
Inakala niyang may katugon ang damdamin niya para sa binata. Pero nagkamali siya dahil pagpapanggap at kasinungalingan lang pala ang lahat.
Note: This is the raw and unedited version
HEART'S COFFEE DATE SERIES 4
LIKE A TEMPTING HEART
PROLOGUE
"ATE! Ate huwag! Parang-awa mo na ate bumalik ka rito. Huwag mong gawin 'yan nakikiusap ako sayo," nagmamaka-awang pigil ni Olivia sa kanyang ate Moira.
Ni hindi siya pinansin ng kapatid at tuluy-tuloy na naglakad palayo. Mabilis ang ginawa niyang paghabol rito at nahawakan ang kamay nito. Maagap niyang isinara ang pintuan ng kanilang bahay at hinarap ang kapatid.
"Pabayaan mo ako Olivia!" malakas na sigaw nito sa kanya habang tumutulo ang mga luha.
Nahabag siya sa hitsura ng kanyang ate. Nangangalumata ito at napakalaki ng ibinagsak ng katawan. Hindi na ito ang dating ate Moira na kilala niya, ang Moira na masayahin at puno ng ngiti ang mga mata. Ang Moira na kaharap niya ngayon ay miserable. Punung-puno ng lungkot at pagdurusa ang mukha.
Bumikig ang kanyang lalamunan sa nakikitang paghihirap ng kapatid. Alam niya ang lahat ng dahilan kung bakit puno ng lungkot ang mga mata nito.
"A-ate," garalgal ang kanyang tinig. Hinawakan niya ang magkabilang balikat nito at pilit na iniharap sa kanya. "Ate, magpahinga ka na. Mahina ka pa, hindi ka pa pwedeng lumabas ng bahay."
"Wala akong pakielam!" bagkus ay sigaw nito sa kanya at tinabig ang kanyang mga kamay. "Aalis ako, Olivia at kukunin ko ang mga anak ko," buong igting sabi pa nito.
Umiling siya, "Hindi mo alam kung anong pwedeng mangyari sayo sa gagawin mong 'yan ate," mariing pigil niya rito. Kinuha niya ang mga kamay nito at tiningnan ng tuwid sa mga mata. "Sa tingin mo ba ibibigay nila sayo ang mga anak mo?" mahinang tanong niya.
Kita niyang natigilan ito at dumaan ang sakit sa mga mata kasabay ng masaganang pagluha. Nasasaktan siyang nakikita ang paghihirap ng kapatid. Hinigpitan niya ang paghawak sa mga kamay nito para maipadama na nandito lang siya para rito.
"N-nasasabik na akong makita ang mga anak ko," lumuhang sabi nito. "Isang taon ang lumipas na hindi ko sila nakasama. Sa mga araw na lumipas ay parang impiyerno ang buhay ko."
At sa mga araw din iyon ay saksi siya kung gaano naging miserable ang buhay nito. Na-depress ito dahil hindi nito kasama ang mga anak. Ayaw nitong kumain at nagmumukmok lamang sa kwarto. Madalas rin itong magkasakit. Pero hindi niya iniwan ang kapatid. Siya ang dumamay sa mga panahong namimighati ito. Inalagaan niya ito dahil si ate Moira na lamang ang pamilya niya at mahal na mahal niya ang nag-iisang kapatid. Wala na silang mga magulang, maagang binawian ng buhay ang kanilang mga magulang dahil sa nangyaring sunog sa pabrika ng pinagtatrabahuan ng mga ito. Magkasama ang kanyang mga magulang sa trabaho para may pantustos sa kanilang kabuhayan. Pero sampung taon pa lamang siya ng mawala ang mga ito sa kanila.
YOU ARE READING
Heart's Coffee Date SERIES 4: Like A Tempting Heart (COMPLETED)
General FictionThe 4'th story in HCD, George Montilla and Maria Olivia Cadag. Sip the aroma of love!