CHAPTER EIGHT
"OLIVE, ano'ng ginagawa mo dito?"
Isang matamis na ngiti ang ibinigay ni Olivia kay George nang makasalubong niya ito sa pasilyo ng opisina sa itaas ng Heart's Coffee Date. Mabuti na lamang at nakilala siya ng guard at pinapasok siya sa itaas pagkasabi niyang si George ang sadya niya.
Mabilis itong lumapit sa kanya at hindi niya napaghandaan ang susunod na gagawin ng binata. Hinuli nito ang isang kamay niya at inakay siya sa loob ng opisina nito. Libu-libong boltahe ng koryente ang kanyang naramdaman sa simpleng pagdadaiti ng kanilang mga kamay. Hindi alam ng lalaking ito kung gaano siya naliligalig sa mga ipinapakita nito sa kanya.
Nang makapasok sila sa loob ay binatawan siya nito. May nakapa siyang panghihinayang roon. Kinalma niya ang sarili at umayos siya. Hinarap niya ang binata, nakatingin rin ito sa kanya habang nakatayo.
"Nagpunta ako rito para ibigay ito sa'yo," iminwestra niya ang isang paper bag na dala niya.
"Ano 'yan?" takang tanong nito na nasa paper bag ang tingin.
"Lunch," mabilis niyang sagot. "Nagluto ako ng lunch, kare-kare at naisipan kong dalhan ka," nakangiting sabi niya.
Habang nagluluto siya kanina ay ito ang nasa isip niya. Nagpasya siyang ipagluto si George bilang pasasalamat sa pag-aalaga nito sa kanya habang masakit siya. Hinding-hindi niya makakalimutan na inalagaan siya nito.
Lalo na nang subuan pa siya nito maging sa kanyang pagkain. Kahit anong pigil niya rito ay ayaw nitong papigil. Sinabi pa nitong ang maysakit ay kailangang alagaan. He really mean it when he said he will take care of her. Pakiramdam niya ay prinsesa siya sa ginawa ng binata. Hindi niya lubos-maisip na aalagaan siya nito. At mangyayaring maramdaman niya ang kakaibang damdamin sa kanyang puso. Pakiramdam niya ay tuluyan na niyang nakikilala ang tunay na George. Mula ng alagaan siya nito ay naging maganda ang pakikitungo nito sa kanya. Madalas na nakikita niya itong nakangiti at nahuhuli niyang nakatingin sa kanya.
Lumipat ang tingin nito sa kanya. "Masarap ba 'yan?"
"Siyempre naman, luto ko eh," natatawang sagot niya. "Here," ipinatong niya sa mesa nito ang kanyang dala. "Kainin mo 'yan ha."
"Niluto mo ba 'yan para sa akin?" tanong pa nito. Nakita niya ang alanganing mukha nito nang tanungin siya.
"Oo, George niluto ko 'yan para sayo." Kita niya ang tila nagustuhan nito ang kanyang sagot. "Gusto kong magpasalamat sa pag-aalaga m osa akin nang magkasakit ako."
"Hindi mo naman kailangang magpasalamat. It's my pleasure to take care of you."
Nalaglag na yata ang puso niya sa sinabi nitong iyon.
Tumikhim siya, "Still, I want to say thank you kaya dinalhan kita ng masarap na kare-kare," masayang sagot niya.
"Siguraduhin mo lang na masarap 'yan Olive kung hindi sisingilin kita ng mas mahal kaysa sa kare-kare." Tumawa pa ito ng sabihin iyon.
That laught, it was heaven. Kaysarap ng kanyang pakiramdam sa gaan ng kanilang usapan. Pakiramdam niya ay malapit na malapit ang binata sa kanya.
"Walang kasing sarap ang luto ko promise," aniyang itinaas pa ang kaliwang kamay.
Natawa ito sa sinabi niya. Abot-abot ang saya niya sa masayang aura nito. Lalo itong gumwapo sa kanyang paninging. Shit, her heart is thumping hard.
YOU ARE READING
Heart's Coffee Date SERIES 4: Like A Tempting Heart (COMPLETED)
Ficción GeneralThe 4'th story in HCD, George Montilla and Maria Olivia Cadag. Sip the aroma of love!