CHAPTER THREE
"GUSTO kong pagsilbihan mo ang mga bata at ako kapalit ng pagbibigay ko sayo sa kambal."
Natigilan si Olivia sa kondisyong hinihingi ni George makuha lamang niya ang mga pamangkin. Dumiin ang pagkakahawak niya sa isang baso ng tubig habang nasa loob sila ng restaurant na iyon. Maaga siyang nagpunta sa itinakdang oras ng pagkikita nila ng binata. Abot-abot ang dalangin niyang tutuparin nito ang kanilang usapan.
At gaya ng inaasahan niya dumating si George sa takdang oras. He was dashing handsome in his business suit. Wala siyang masabi sa angking dominasyon ng presensya nito. Nakadadag pa ang tindig nito sa nakakatakot na aura. But that was not the proper time for complimenting him. Kailangan niyang maging handa sa mga sasabihin nito.
At binasag nga nito ang katahimikan sa mga salitang iyon.
She composed herself and looked at him. Sa tuwing titingin siya sa mga mata nitong itim na itim ay hindi niya kayang titigin ang mga iyon ng matagal. Ibang-iba na ito sa dating George na kilala niya. That George she knew will always smiles at her whenever he saw her. But now, that cold-ice stare is making her weak.
"Anong ibig mong sabihin George?" mahinahong tanong niya.
Ipinatong nito ang mga kamay sa mesa at sinalubong ang kanyang tingin. Hindi niya malaman kung kaba ang sanhi ng pagbilis ng tibok ng kanyang puso o ano. Nalilito siya.
"Simple lang, magiging yaya ka ng mga bata at susundin mo ang lahat ng ipinag-uutos ko."
She was caught off guard. Kayang-kaya niyang pagsilbihan ang mga pamangkin. Pero sundin ang lahat ng utos ni George? Bakit tila siya kinabahan sa isiping iyon?
"Don't get me wrong Olivia." Waring nahulaan nito kung bakit siya natigilan. "You will work as a nanny of the twins and do the stuff at house. Magiging yaya at kasambahay ka, sa madaling salita.
Nakahinga siya ng maluwag sa sinabi nito. Bakit kasi kung anu-ano ang naiisip niya? Saway niya sa sarili.
Huminga siya ng malalim at hinarap ito, "Gagawin ko ang lahat para sa mga bata at kung ang pagsilbihan sila ang tanging paraan para makuha ko sila, pumapayag ako sa kondisyon mo."
"Huwag kang mag-alala, babayaran kita sa paninilbihan mo."
Umiling siya. "Hindi na kailangan. Hindi ako humihingi ng kabayaran sa pag-aalaga sa mga pamangkin ko."
"Kung iyan ang gusto mo, wala akong magagawa," tumango ito at pagkatapos ay uminom ng tubig. "Bukas ay pwede ka ng lumipat sa bahay." Anito habang ibinababa ang baso sa mesa.
"Hanggang kailan ko gagawin ang kondisyon mo?" Hindi na niya napigilang itanong.
"Hanggang sa gusto ko," mabilis nitong sagot. Alam niyang wala siyang kalaban-laban at ang tanging magagawa niya ay sumunod rito dahil ito ang may hawak ng alas. "Ako ang magsasabi kung kailan matatapos ang kasunduan. And may I just remind you Olivia," naging seryoso ang tinig nito. "May mga kondisyon ako sa pagtira mo sa bahay."
She is willing to wait makuha lamang niya ang mga bata. "Handa ako akong makinig. Ano ang mga iyon?"
"Una, hindi kailangang malaman ng mga bata ang tunay mong kaugnayan sa kanila."
Alam niyang iyon ang sasabihin nito. "Kailan nila pwedeng malaman na pamangkin ko sila at kapatid ko ang Ina nila?"
"Hanggang sa matapos ang kasunduuan." Kita niya ang paghugot nito ng malalim na hininga, "The twins doesn't know anything about their mother."
YOU ARE READING
Heart's Coffee Date SERIES 4: Like A Tempting Heart (COMPLETED)
Fiction généraleThe 4'th story in HCD, George Montilla and Maria Olivia Cadag. Sip the aroma of love!