CHAPTER SIX
"MARAMING-MARAMING salamat sayo Olivia."
Huminto si Olivia sa paglalakad pagkasabi niyon sa kanya ni George. Nasa pasilyo sila ng eskwelahan ng kambal habang hinihintay ang mga itong matapos ang klase. Kakatapos lamang niyang makipag-usap sa guro ng mga bata nang tumawag sa kanya si George at sinabing ito ang susundo sa kanila. Maghapon siyang nasa eskwelahan at binantayan ang mga bata sa araw na iyon.
Tiningnan niya ito. "Hindi mo kailangang magpasalamat sa akin George. Tungkulin ko na alagaan ang mga bata. Ayokong nakikitang inaapi sila kaya ipaglalaban ko sila," matatag na sabi niya.
Sumilay ang isang ngiti sa mga labi nito. Tila hinaplos ang kanyang puso sa sinseridad na ngiting iyon. Kakaibang George ang nasa harap niya ngayon.
Bumuntong-hininga ito, "Mabuti na lang at nandito ka. Baka hindi ko na malaman ang gagawin ko kay Clever."
Napangiti siya ng lihim at na-appreciate nito ang kanyang ginawang effort. May mahalaga itong meeting sa trabaho kaya siya ang nakipag-usap sa guro ng mga bata. Personal sana nitong gagawin iyon kaya lamang ay hindi ito pwede.
"Everything is okay now," paga-assure niya rito. "Nakausap ko na ang teacher ng mga bata. Ang sabi niya, ang kaklase ni Clever ang naunang nang-asar. Dinisiplina na rin ang batang iyon at nangako sa akin si Clever na hindi na ulit niya gagawin ang makipag-away. Ang sabi ko sa kanya, kahit anong sabihin ng ibang tao huwag niyang papansinin."
"That's good to hear." She saw relief in his face. Tumingala ito. Minasdan niya ito ng mabuti. His eyes are more beautiful now. Sana palaging naroon ang kapayapaan sa mga mata ng binata. Dahil kapag tumitingin siya sa mga iyon ay parang ang gaan-gaan ng kanyang pakiramdam. "Olive..."
Nalaglag na yata ang kanyang puso sa pagtawag nitong iyon sa kanya. Bakit tila napakasarap sa pandinig ng paraan nito ng pagbanggit sa kanyang pangalan? Kay suyo niyon. Ngayon lamang siya nito tinawag ng Olive.
Kinalma niya ang sarili at tiningnan ito. Sinikap niya na maging normal. "Ano iyon?"
Isang masuyong ngiti ang ibinigay nito sa kanya. Ang ngiting iyon ay umabot sa mga mata nito. Lalong tumambol ang kanyang dibdib sa ngiting iyon mula sa binata. This is the first time he smiled at her... for real. And it was heaven and sweet. Kung ang ngiti nito ang masisilayan niya araw-araw ay hindi siya magrereklamo.
"Thank you, again." Maaliwalas ang mukhang sambit nito.
"P-para saan?" kanda-utal na tanong niya. Gusto niyang batukan ang sarili dahil nautal pa siya.
"For sleeping besides Clever last night and for comforting him," magaang sagot nito.
Nagpaalam siya kagabi kay George at sinabing sa tabi ni Clever matutulog, pumayag naman ito. Ramdam niyang alam din nitong kailangan ng bata ng makakasama kagabi.
"Mahal ko ang mga bata at hindi ko matitiis na malungkot sila," masuyong sabi niya. "Kahit sa mga yakap ko lang ay maipadama ko sa kanila na hindi sila nag-iisa."
Muling tinanaw nito ang asul na kalangitan. Wala sa sariling napatingin rin siya roon. Sana palaging ganoon sa kanya si George, abot at tanaw niya. Hindi kagaya ng maaliwalas na kalangitan, tanaw ngunit hindi abot.
"Nagulat ako ng sabihin ni Clever ang mga salitang iyon. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang ang reaksyon niya at nakipag-away pa." Kita niya ang nababahalang tinig nito.
YOU ARE READING
Heart's Coffee Date SERIES 4: Like A Tempting Heart (COMPLETED)
Ficción GeneralThe 4'th story in HCD, George Montilla and Maria Olivia Cadag. Sip the aroma of love!