Chapter 7

5.6K 91 0
                                    

CHAPTER SEVEN

"HAY! ANO ba 'yan," inis na bulong ni Olivia sa sarili. Kinipkip niya ang kanyang dalang bag at inilagay ang mga biniling gamot roon. Kung kailan naman natapos siyang bumili ay saka naman bumuhos ang malakas na ulan. Paano siya makakauwi ay wala siyang dalang payong?

Sigurado siyang hinihintay na siya ng mga bata sa bahay. Masakit ang tiyan ni Claui. Walang gamot sa tiyan ang medicine kit sa bahay kaya nagpasya siyang ibili na lamang ng gamot ang bata. Wala rin ang driver dahil day-off nito ngayong Linggo. Kaya nag-commute na lamang siya at pumunta sa drug store. Malapit lang naman iyon sa mansion at isang dyip lamang ang sasakyan.

Lumabas siya ng store, kailangan na niyang makauwi. Sa lakas ng buhos ng ulan ay sigurado siyang mamaya pa titila iyon. Sa kabilang kanto pa ang paradahan ng dyip, tatakbo na lamang siya para makarating roon.

Hindi na siya nagdalawang-isip at sinuong niya ang ulan. Naramdaman niya ang lamig sa kanyang balat. Mabilis na nabasa ang kanyang buhok. Kahit mabasa siya, ang maghalaga ay makarating siya sa bahay para makainom kaagad ng gamot si Claui.

Basang-basa na ang kanyang damit at mabilis na tumatakbo papunta sa sakayan ng mga dyip. Natigilan siya sa pagtakbo ng may malakas na bumusinang sasakyan sa kanyang harapan. Hinilamos niya ang isang kamay sa basang mukha at tiningnan iyon. Kilala niya ang sasakyan na iyon. Bumaba ang bintana ng kotse at tumambad sa kanya ang kunot-noong mukha ni George.

"George..." mahinang bulong niya.

"What do you think your doing, Olivia?" ngunit ang galit na tinig nito ang sumalubong sa kanya. "Get inside now!" mariing utos nito.

Mabilis namang tumalima siya at sumakay sa loob ng kotse. Naramdaman niya ang lamig pagkaupo niya. Kita niyang pinatay ni George ang air conditioner at naramdaman na lamang niya ang pagpatong ng isang towel sa kanyang kandungan.

Tinignan niya ang binata. Hindi maipinta ang mukha nito habang nakamasid sa kanya.

"Are you insane Olivia? Bakit nagpakabasa ka sa ulan?" Kunot na kunot ang noo nito at galit ang mukha.

Natigilan siya sa kakaibang tingin nito. It was like more of a concern from him. Hindi, masyado siyang ambisyosa kung iisipin niya iyon. Kinalma niya ang sarili at pinunasan ang mukha at sinunod ang kanyang buhok.

Hinarap niya si George, waring naghihintay ito ng kanyang sagot. "Wala kasi akong dalang payong kaya naisipan kong suungin na lang ang ulan. Naghihintay na kasi si Claui sa bahay at masakit ang tiyan ng bata," paliwanag niya.

"I know," mabilis nitong sagot. "Pagdating ko sa bahay wala ka, sinabi sa akin ng mga bata kung saan ka nagpunta."

"Baka may mangyari ng masama sa bata kung hihintayin ko pang tumila ang ulan."

"But you should have called me!" Napaigtad siya sa pasigaw nitong tinig. Hindi maipinta ang mukha nito. Ano bang nangyayari rito? Bakit ito nagagalit? "Sana tinawagan mo ako para nasundo kita at hindi ka nagpakabasa sa ulan. Look at you, basang-basa ka, paano kung magkasakit ka sa ginawa mong 'yan ha? Hindi ka ba talaga nag-iisip Olivia?"

Tila hinaplos ang kanyang puso sa mga sinabing iyon ng binata. Habang nakatingin siya sa mga mata nito ay pag-aalala ang nababasa niya roon. Kulang na lamang ay pilipitin nito ang kanyang leeg sa inis.

"Tumalikod ka!"

Ang tinig nitong iyon ang nagpatigil sa kanya.

Kumurap-kurap siya, "Ha?" ulit na tanong niya.

Heart's Coffee Date SERIES 4: Like A Tempting Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now