CHAPTER FOUR
"SHE'S CLAUI, and he's Clever, the twins."
Tila hinaplos ang puso ni Olivia habang nakatingin sa mala-anghel na mukha ng dalawang batang kaharap niya. Malaki na ang mga ito. Parang kailan lamang noong sanggol pa lamang ang dalawa. Ilang pagkakataon lamang na nakita niya ang mga bata dahil na rin nasa probinsya siya at nanirahan sa Maynila ang kapatid niya buhat ng mag-asawa ito. Ngayon ay lumaking magandang bata si Claui at napakagwapo ni Clever.
Si Claui, kamukhang-kamukha ito ng ate niya. Si Clever naman ay minana ang mapupungay na mata ng kanyang ate. Ang mga pangalan nila, ang ate rin niya ang nagbigay ng pangalan ng dalawa. Kung nandito lamang si ate Moira ngayon tiyak niyang iiyak ito sa sobrang tuwa.
Tiningnan niya si Claui, bigla niyang naalala rito ang kanyang ate Moira. Bumikig ang kanyang lalamunan sa maaliwalas na ngiting nakapaskil sa mga labi ng bata. She wanted to hug her so tight at that moment. Gustung-gusto niyang yakapin ang dalawang bata pero malaki ang pagtutol ng isip niya. Hindi niya maaring gawin iyon. Hindi maaring malaman ng mga ito ang tunay niyang kaugnayan sa mga ito. And besides, George is just here standing behind her.
"Kids, starting today, she will be your new nanny," ani George sa mga bata. Nabanggit na nito sa kanya na pinagbakasyon muna nito ang dating yaya ng mga bata. Pero dahil ayaw niyang tumanggap ng anumang bayad rito ay sinabihan niyang ibigay na lamang sa dating Yaya ng mga bata ang dapat ay ibabayad sa kanya. Pumayag naman ito. Isa pa, dahil sa kanya ay nawalan ng trabaho ang isang tao. "Say hi to yaya Olivia," anitong nakatingin sa mga bata.
"Hi, Yaya Olivia," nakangiting bati sa kanya ni Claui. Napaka-cute ng magkabilang biloy sa gilid ng labi nito. Parehas na parehas din ang biloy ni Clever. Iyon ang pagkakahawig ng dalawang mga bata.
"Hello Yaya Olivia," ganting bati naman ni Clever. "Wait, your name is too long. What is your nick-name?" nakangiting tanong pa ng bata.
Ngumiti siya sa mga ito. "You can call me Olive, Yaya Olive," masayang tugon niya.
"That's nice! Your name is beautifull just like you," masayang sabi pa ni Clever. Hindi siya makapaniwalang masayahin ang kambal.
Hindi siya nakapagpigil, lumuhod siya at pinisil ang pisngi ni Clever. "You're so cute," aniya sa malumanay na tinig. Habang nakatingin siya sa mga mata ng bata ay hindi niya maiwasang alalahanin ang namayapang Ina ng mga bata. Sana nandito rin si ate Moira at nakikita kung ano ang nakikita niya ng mga sandaling iyon.
Hindi na siya nakapagpigil at niyakap niya ang bata. Ipapadama niya sa kanyang yakap ang yakap na inasam ng ate niya. Ang butil ng luhang naglandas sa kanyang mga mata ay mabilis niyang pinahid. Ayaw niyang makahalata ito sa kanyang reaksyon.
"Olivia!"
Ang matatag at mariing tinig na iyon ang nagpahinto kay Olivia. Mabilis siyang kumalas sa bata at tumayo. Nilingon niya si George na may babala sa mga mata nito.
"Pasensya na kayo hindi ko lang napigilan ang sarili ko. Ang cute-cute kasi nitong si Clever at Claui," mabilis niyang sabi rito. Abot-abot ang bilis ng pintig ng kanyang puso.
Lumipat ang tingin nito sa mga bata. "Kids, go to the dining room now. Nakahanda na ang almusal."
Tumalima naman ang mga bata. Naiwan silang dalawa ni George.
"Para saan iyon Olivia?" kaagad nitong galit na tanong sa kanya.
"Pasensya ka na George, hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko," hinging-paumanhin niya. "Maraming taon kong hindi nakita ang mga pamangkin ko kaya nang makita ko sila kanina sobrang saya ko."
YOU ARE READING
Heart's Coffee Date SERIES 4: Like A Tempting Heart (COMPLETED)
Ficción GeneralThe 4'th story in HCD, George Montilla and Maria Olivia Cadag. Sip the aroma of love!