PINAGMASDAN ni Kiko ang kanyang asawa. Hindi pa rin siya makapaniwala. May asawa na siya. Hayun at tulog na tulog na ito sa recliner habang nakasuot pa rin ng traje de boda. Naitanong niya sa isip kung maganda ba si Elma. His mind was telling him she was but she was not his type.
Ang puti-puti ng kulay ni Elma. Ang kinis-kinis din. Singkit na singkit ang mga mata nito, palibhasa one hundred percent Chinese. Pero kung umakto at magsalita, tipikal na Pinay. Matangkad ito para sa karaniwan. Sa tingin niya ay five-seven ang taas nito.
Maliit lang ang ilong ni Elma pero matangos naman. Balingkinitan ang katawan nito. She had average-sized breasts and to-die-for ass. He was really looking forward to the honeymoon. Kahit pa nga wala iyon sa usapan nila. Malay ba niya kung makakalusot? Ang kaso nga ay hindi.
Mayabang din ang babae. Kung iba siguro ang napangasawa, mae-excite iyon sa honeymoon. Relaxed siya palagi sa ibang babae patungkol sa appeal niya if he wanted to get laid or pick up a chick in a bar or even in a video rental shop. Somehow, nabawasan ang kanyang kompiyansa sa mismong asawa.
Dahil siguro iba si Elma sa karaniwang babae na nakaka-date niya o nakaka-fling. She wasn't sophisticated. Artist chick, that was what she was. Pati ang kaibigan nito na kanina lang niya nakilala ay tulad nito. Hindi iyon tipikal na babaeng gugustuhin niyang makilala sakaling makita niya sa kung saan man.
Ang mga tulad nina Elma ay iyong masaya sa ginagawa at walang pakialam sa iisipin ng iba. They had their own little world.
Kiko wanted to go near her and rip her wedding gown apart, see what was hidden under it. He wanted to grab her firm ass, lick that milky skin. It was really a pity that he couldn't for he hadn't gotten laid for months now. Iyon lang siguro ang tanging dahilan kung bakit pinagnanasaan niya ngayon ang asawa. He really should get laid. Alangan namang dalawang taon siyang magpakaburo?
Hindi na ginising ni Kiko si Elma. Hinagip ng kamay niya ang isang jacket at isang baseball cap. Lumabas na siya ng suite. Dumeretso siya sa basement, sa kanyang sasakyan. Nagpasya siyang sumaglit sa Kapitolyo. One of the town councilors used to be his lover. Maybe she could help him out.
PUPUNGAS-PUNGAS nang magising si Elma. Madilim na madilim na sa buong suite. May naririnig siyang kalabog sa kung saan. Nagkandatisod-tisod siya sa paglalakad sa dilim. Kinapa niya ang switch at mabuti namang nabuksan niya.
Lumagabog uli ang pinto at nagtatakang sumilip siya sa peephole. Si Kiko ang nasa labas. Nagtatakang binuksan niya iyon.
"What time is it?" tanong niya.
"Did I wake you up? The key card doesn't work." Itinaas ni Kiko ang plastic card sa ere at pumasok na rin. "It's past ten. Sleep some more."
"Where have you been?" tanong niyang nakakunot ang noo.
"What, you're gonna start nagging me now? This early, Elma?" Mababakas sa mukha ni Kiko ang iritasyon. Mukhang hindi maganda ang nangyari sa pinanggalingan nito. At dahil bagong gising, nainis din siya.
"Nagtatanong lang ako. Masama ba?" Inis na hinubad niya ang lace gloves. "Umalis ka nang hindi man lang nagsabi."
"So?"
"So dapat sinabi mo."
Bumuga ng hangin si Kiko, saka dumeretso sa kuwarto. Sumunod naman siya. Iisa lang ang kuwarto at kailangan na niyang magbihis.
Kinabahan si Elma nang makitang naghuhubad na rin si Kiko ng jacket. Bigla, parang gusto niyang manatili roon at pagmasdan itong magpalit ng damit. Humarap sa kanya si Kiko, saka hinubad ang polo shirt. Still, she stood there, watching him. Lalong lumakas ang tibok ng kanyang puso.
Kiko had an absolutely gorgeous physique. His waist was narrow, and what delicious-looking abs! Marahan nitong inalis ang butones ng pantalon, parang tinutukso siya ng mga kamay na mabagal na nag-aalis ng mga iyon. Sa mga butones na iyon siya ngayon nakatingin. Napalunok siya.
His boxers showed. Striped blue and white, preppy. But she liked it.
"If you're gonna go on looking at me like that, wife, then you better take off that wedding dress or let me rip it apart."
Biglang natigil si Elma sa pagmamasid. Natutulirong kinuha niya ang bag at halos patakbong pumunta sa banyo.
"Chicken," bulong ni Kiko na narinig naman niya.
Nainis na naman siya pero hindi na nagtangkang sumagot. Ano pa ang sasabihin niya kung napahiya na nga siya? Ikinandado niya ang pinto ng banyo. Natakot siyang baka biglang pumasok si Kiko. She knew, she just knew, if he went in there and asked once again for a honeymoon, she would give it to him.
Pero mako-complicate lang niyon ang samahan nila. Paano kung mabuntis siya? O kaya paano ang magiging samahan nila? Magse-sex na lang sila kung kailan nila gusto? Pero ni hindi pa niya ganap na kilala ang asawa. Iyon lang ang pangatlong pagkikita nila. At natatakot siya. Iyon ang pinakamatinding dahilan. Kung bakit, hindi naman niya alam. Bakit sa mga boyfriend niya dati, hindi naman siya nakaramdam ng ganoong takot? Oo nga't hindi naman umabot sa actual na intercourse ang mga iyon, pero ngayon, ang isipin pa lang na may magaganap sa kanila ni Kiko, kinakabahan na siya.
Maybe because Kiko was different. Ibang-iba ito kompara sa mga naging boyfriend na niya dati. He was square. He was the epitome of the perfect yuppie.
Nag-shower na si Elma at nagpalit ng damit-pantulog—sandong gray at pajamas. Ginamit niya ang malambot na tsinelas ng hotel. Bitbit niya ang wedding dress nang lumabas ng banyo.
Nakahiga na sa kama si Kiko. Bukas ang overhead lamp, nagbabasa ito ng isang magazine. Tumingin ito sa kanya.
"P-paano 'to?" Itinuro niya ang wedding gown.
"May laundry service dito. Iwan mo na lang diyan." Nagbasa na uli ito.
Ini-hanger ni Elma ang wedding dress. Ginawa niya iyon nang ubod ng bagal. Saan siya hihiga? Wala namang couch. Alangan namang sa sala siya matulog? Hindi nila napag-usapan ang sleeping arrangement.
Sa huli, nahiga na rin siya sa kama. Inabot niya ang kumot at itinalukbong sa sarili. Nagpakaisod-isod siya hanggang sa gilid ng kama. Nakatalikod siya kay Kiko. Narinig niya ang buntong-hininga nito. Naramdaman niyang nawala ang bigat ng lalaki sa kama. Nang alisin niya ang talukbong, nakatayo na ito.
"Sa labas na ako matutulog. Baka mahulog ka pa kakaiwas. 'Wag kang mag-alala, hindi kita papasukin mamaya," sarkastikong sabi ni Kiko, saka siya iniwan.
BINABASA MO ANG
Territorio de los Hombres 5: Francisco de Cambre
RomanceTerritorio de los Hombres 5: Francisco de Cambre