Chapter 16

8.4K 225 1
                                    

UNANG gabi ng bandang Original Sin na magpe-perform sa Red Base para sa buwang iyon. Dahil dating poser, kilala na ni Elma ang mga miyembro ng banda. At napag-alaman niya, mula na rin kay Fate—ang fiancée ng isa sa mga hombres at F & B manager ng Territorio de los Hombres—na miyembro din pala ng Territorio ang buong banda.

Kasama niyang gumimik si Fate sa Red Base nang gabing iyon. Ito lang kasi ang nasa Territorio na puwede niyang isama. Pagdating nila sa Red Base ay nilapitan nila ang Original Sin. Mabait naman ang mga ito at gaya ng inaasahan niya ay nakilala siya.

"How's your band?" nakangiting tanong ni Rodrigo.

"Wala na. Dalawang beses lang kaming nakapag-perform. Alam mo namang posers lang kami." Natawa si Elma.

Matagal pa silang nagkuwentuhan hanggang sa mag-perform na ang banda. Maraming tao sa Red Base kahit alanganing araw. Ang sabi ni Fate, napupuno raw ang lugar basta nandoon ang Original Sin.

Mayamaya pa, kasama na nila si Violet. Ngayon pa lang pala nakilala nang pormal ni Fate ang babae. Soon, the three of them were dancing while the band was playing. Elma found new friends there.

Mayamaya pa, nakita na nila si Anton na nang makitang kasama nila si Violet ay parang biglang umiwas. Kaya lang, nakita na ito ni Fate at pilit ipinasama sa kanila. Halatang naiilang ang lalaki kay Violet at ganoon na lang ang naramdaman niyang awa para sa babae. Mababakas sa mukha ni Violet na nasaktan ito sa iniaakto ni Anton. Gusto tuloy niyang mairita sa lalaki.

"W-what are you doing here, Elma? Nasaan si Kiko?" tanong ni Anton.

He's with his whore, gusto sana niyang sabihin pero napigilan niya ang sarili. "I don't know where he is. Nasa Manila siguro. Anyway, I'm having fun here. Kilala ko naman ang banda. Siguro palagi akong nandito buong buwan."

"Well, that's good. Anyway, I have to go now." Tumayo na si Anton.

Nagpaalam din sa kanila si Violet na susundan ang lalaki.

"Hay, ewan ko ba kay Violet kung bakit sinusundan-sundan pa si Anton. Pagsasabihan ko ang babaeng 'yan. Sinasayang lang niya ang effort niya sa lalaking 'yon. Anyway, kumusta naman kayo ni Kiko?"

"Kami? Walang kami, actually."

"Really? Why is that?"

"He has his own life, I have mine."

"Interesting."

"At alam mo ba, birthday ko na sa isang linggo. Malamang na hindi naman niya alam." Elma sighed. "I don't know when his birthday is. I don't know anything about him. All I know is that I don't want him flirting and, you know..." She sighed again.

"Sinabi mo na ba sa kanya 'yan?"

"Like a gazillion times already."

"And?"

"And nothing. Hindi rin importante. Come on, Fate, let's not talk about him. Let's dance some more." Hinila na niya ang babae sa gitna ng dance floor.

Elma danced all her anger and frustrations away. She partied with the band. She did that for one whole week. Wala siyang sawa gabi-gabi na magpunta sa Red Base. At least kapag nandoon siya, hindi niya naiisip ang tanong kung ano ang ginagawa ni Kiko at kung sino ang kasama nitong gumagawa niyon.

At least there, she could forget him. Even if only for a while.

Territorio de los Hombres 5: Francisco de CambreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon