Chapter 17

8.7K 247 1
                                    

"What are you doing here?"

Napahalukipkip agad si Elma nang makita si Kiko sa bahay nito sa Territorio. Manipis na puting sando, panty, at malambot na tsinelas lang ang suot niya. Hindi naman niya inaasahan na makikita roon ang asawa. Mapulang-mapula na agad ang kanyang mukha.

"This is my house, wife," sarkastikong sabi nito, saka siya sinipat mula ulo hanggang paa. "You're looking good." Binale-wala niya ang sinabi nito. Tumalikod agad siya pero may pahabol pa ito. "Masyado ka yatang natatakot sa 'kin, Elma? Hindi naman kita re-rape-in. Kung makaakto ka, para bang palagi kang in danger na ma-rape ko. I'm sorry to disappoint you, dear wife, you don't interest me that way."

Napatigil tuloy siya sa paglakad, sabay harap dito. "Oh, really? As if I didn't know you're dying to bed me, husband."

"Yeah, right."

"Don't deny it."

"You're having delusions of grandeur."

"I'm not making you feel uneasy wearing only this?" Namaywang pa si Elma, hindi na nag-abalang takpan ang mga bumabakat sa katawan.

"Of course not!" Pero tumalikod si Kiko at nagpunta sa kusina. Nakasunod naman siya rito. Dumeretso ito sa refrigerator at tinungga ang isang bote ng mineral water.

Pumuwesto naman siya sa counter, naupo roon. Nagde-kuwatro pa. "So, what brought you here?"

"I heard you've been partying all week long. Hanging out with a band. I don't want people to get an impression my wife is a groupie."

Napaismid siya. "As if you care."

"But I do."

"Yeah? If it's true, what do you plan to do about it?"

"Nothing. I just wanna be here while all that is happening."

"Ang sabihin mo, may plano ka rin naman kasing katagpuin ang babae mo." Elma was behaving like a jealous, nagging wife, she knew. But she couldn't help herself. Paano ba niya pipigilan ang damdaming lumalabas na naman?

Noong isang araw pa niya nalaman kung sino si Suzy. Naitanong kasi niya nang pasimple kay Anton noong isang araw kung may kakilala itong Suzy, iyong nakaputing catsuit noong costume party. At nalaman niya na isang konsehal pala ng bayan ang babae.

Nasa Pakyit-pakyitan si Suzy. Kung nakikipagtagpo man ito sa asawa niya sa Maynila, mas convenient sa dalawang gawin iyon doon. Ang kapal talaga ng mukha ng babae. Isa palang government official pero kung makaakto, parang pakawala. Kung tagaroon lang siya, nunca na iboto niya ang babaeng iyon.

"Nag-aalala kang isipin ng tao na groupie ako pero sige ka naman nang sige sa pakikipagtagpo mo sa Suzy na 'yon?" patuloy ni Elma. "You have some nerve to act as if you care about what people might think of us."

"Iba ang babae, iba ang lalaki."

"Spare me that bullshit," nasusuyang sabi niya. At least siya, alam ng kanyang konsiyensiya na wala siyang ginagawang masama.

"Ayoko lang makarating kay Mommy 'to."

"Wait till she hears you've been screwing around!"

"I won't be if you're gonna give me what I need."

"No way."

"That settles it then." Iniwan na siya ni Kiko.

Wala pa yata silang palitan ng usapan na hindi nauwi sa iringan. At palaging masamang-masama ang loob ni Elma sa bawat iringan nila.

Maybe she made a wrong decision after all. Maybe all that money was not worth all that frustration.

PINILIT ni Elma na matulog pa uli. Birthday niya nang araw na iyon at maaga siya nagising. Alas-sais pa lang ng umaga. Hindi siya natuloy sa Red Base kagabi gaya ng plano. Paano niya magagawang magpunta roon kung nandoon na si Kiko?

Ayaw man ay nagbantay siya sa bahay, nag-abang kung kailan aalis ang asawa sakaling maisip nitong katagpuin si Suzy. Nakatulugan na niya ang pagmamanman. At ngayon, frustrated lang siya umagang-umaga. Kaya nga siya nagpunta sa Territorio para mawala ang tensiyon niya tuwing umaga sa kung ano ang magiging schedule ni Kiko buong araw.

Sa Maynila kasi ay palagi siyang ganoon, nagbabantay, hindi mapakali. Pero ngayon, nagpunta pa si Kiko doon. Bumalik tuloy ang alalahanin niyang ginusto ngang iwan sa Maynila.

Ipinikit ni Elma ang mga mata. Gusto niyang hapon na magising para kaunting oras na lang ang birthday niya—na malamang naman ay hindi alam ni Kiko na kukunsumihin lang siya maghapon—pero ayaw na ng diwa niyang matulog.

Biling-baligtad siya sa higaan hanggang sa bumukas ang kuwarto. Nakiramdam siya, nagkunwaring tulog. Kinabahan siya na hindi niya maintindihan. Ngayon lang pumasok sa kuwarto niya si Kiko mula nang magsama sila. Nasisiguro niyang si Kiko ang pumasok. Even his footsteps were now familiar to her, malamang dala ng pag-aantabay niya sa mga yabag nito bawat gabi.

Bahagyang lumubog ang kutson. Elma smelled his familiar aftershave. Narinig niya ang buntong-hininga ni Kiko at naramdaman ang kamay nito sa kanyang buhok.

"Happy birthday, wife," sabi nito, saka siya dinampian ng halik sa noo.

Gusto nang magmulat ni Elma, gustong pasalamatan at halikan ang asawa dahil alam pala nitong birthday niya. Pero nag-alangan na siyang gawin ang mga iyon. Natutulog siya sa pagkakaalam nito.

Nag-uumapaw yata ang kaligayahan sa kanyang dibdib. She was beaming inside. Patuloy na hinaplos ni Kiko ang kanyang ulo, kinintalan uli ng halik ang kanyang noo. Hanggang sa maramdaman niyang tumayo na ito at lumabas ng kuwarto. Nagmulat siya ng mga mata.

May nakapatong na rosas sa bedside table. May kasama iyong munting note: Happy birthday, Elma. I cooked breakfast. Meet you at the kitchen. How about a truce even if only for today?

Nahalikan ni Elma ang note, saka nagmadali nang nag-ayos ng sarili. Gaya ng nakalagay sa note, nasa komedor na nga si Kiko. Ngumiti ito nang makita siya.

"Happy birthday."

"Thank you!" Kulang na lang ay takbuhin niya ang asawa ng yakap. Nakahiyaan niyang gawin iyon kaya ngumiti na lang siya. Nasa ngiting iyon ang lahat ng pasasalamat niya. So he knew it was her birthday.

"Any plans today, Elma?"

"No. No plans. You?"

"No plans. How about dinner? Tonight? At Blue Base?"

"Sure."

Kiko smiled once again, she smiled back. For the first time, they had breakfast like normal husband and wife on their honeymoon stage would. She was overjoyed.

Territorio de los Hombres 5: Francisco de CambreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon