Chapter 24

10K 246 0
                                    

"O, AKALA ko, hindi ka na magpapakita sa 'kin kahit kailan."

Isang mapaklang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Kiko. Nasa bahay siya ni Suzy. Matagal na niya itong hindi nakikita. Ang huling kita niya sa babae ay noon pang costume party sa Territorio.

Noong gabing naglasing siya at kinausap si Suzy, hindi rin naman niya ito sinipot kinabukasan. Nahihiya kasi siya. Noon kasing bago pa lang silang nagsasama ni Elma ay pinuntahan niya ito, hoping to get laid.

And he could've gotten laid. Hindi lang maalis sa isip niya ang asawa. Buwisit na buwisit siya. His body was willing to do the deed, but his mind refused and in the end, his penis became limp. How utterly embarrassing.

At ngayon, nandoon siya sa bahay ni Suzy, hoping this time he could force himself to forget Elma. Hindi rin niya inasahan na sobrang sasama ang loob niya sa sinabi ng asawa na maghihiwalay sila pagkalipas ng dalawang taon.

Ayaw niya. Iyon ang simpleng katotohanan.

Pero iyon ang gusto nito.

Hindi pa pala sapat na maayos na ang pagsasama nila. Kulang pa pala iyon. Kung kailan sa tingin ni Kiko ay handa na siyang sumubok sa pagpapamilya. Pagkatapos niyang ipunin ang tapang at ihanda ang sariling sumugal.

The last thing he heard, Elma was hanging out with the band Original Sin again. Mas gusto pa nitong kasama ang banda kaysa samahan siya sa Maynila. Miss na miss na nga niya ang asawa pero alam niyang hindi na niya kailangang mag-exert ng effort para sa pagsasama nila.

Aanhin niya ang mga emosyong ii-invest sa samahan nila kung mababale-wala lang naman pagkalipas ng dalawang taon?

"Hey, lover boy, where's the wife?" nakangising tanong ni Suzy.

"Wanna help me forget the wife?" tanong niya.

"Fuck you, Kiko." Nawala ang ngiti sa mukha nito. "Go home and fuck your wife. Ginagawa mo akong panakip-butas, buwisit ka."

"Come on, Suzy, let me hang around."

"How's the little general? Still limp?" pang-iinis nito.

"Shut up."

Humalakhak si Suzy at lumapit sa kanya, dumeretso ang kamay sa puntirya. He was almost getting aroused when Elma's face surfaced in his head.

"Little general's just been demoted to desk officer," sabi nito.

Pasalampak na naupo si Kiko sa couch, tutop ang noo.

"What's your problem, Kiko? Go home. Get it on with the wife. I don't like her but I don't like seeing you looking like shit either. You're in love with her. Wala akong magagawa sa bagay na 'yan." Tinabihan siya ni Suzy at tinapik pa ang hita niya.

"You don't understand—"

"You're right, I don't. And please don't explain. You might make sense." Tumawa ito.

Kiko sighed. Inilabas na lang niya ang cell phone. Naka-silent mode iyon kanina pa. Nakailang missed calls na pala ang mommy niya. Nag-aalalang tinawagan agad niya ito. "Mom, is everything all right?"

"Kanina pa kita tinatawagan. Nasaan ka ba?"

"Someplace. Why? What's wrong?"

"Get an annulment. Nakausap ko na si Elma. She's okay with it." Natigilan siya. "I'm sorry, anak." Bumuntong-hininga ito. "Alam mo, ang gusto ko lang talaga kaya ko kayo pilit ipinakasal ay mabago ka. Si Elma ang tipo ng babaeng kaya kang baguhin, anak. Magkaibang-magkaiba ang mundo ninyo. I thought I could help you. Now I realized I'm wrong. You're both miserable."

Hindi siya halos makagalaw.

"Hijo?" pukaw nito.

Nagdikit ang mga labi niya. "Where is she?"

"Nasa bahay mo sa Territorio—"

"Gotta go, 'Ma." Iyon lang at tumayo na si Kiko. Ni hindi na niya nagawang magpaalam kay Suzy. Dumeretso siya sa sasakyan at tinapakan ang silinyador.

Territorio de los Hombres 5: Francisco de CambreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon