Chapter Seven

8.5K 236 1
                                    

MAGANDA at malaki ang suite nina Elma at Kiko sa hotel. It was the penthouse. Tanaw sa balcony ang malawak na Territorio. Wala yatang natanaw si Elma na hindi kulay-berde. May living room, dining room, at kitchenette ang suite.

Aware na aware si Elma sa presensiya ng asawa. Paanong hindi, samantalang kanina pa ito nakaalalay sa kanya—kung pag-alalay ngang maituturing ang kamay nitong hindi na nilubayan ang umbok ng kanyang puwit.

"I noticed you only brought a small bag. Nasa kuwarto na, ipinalagay ko do'n kanina," sabi nito.

"And I notice your hand is having fun on my ass. Kanina pa 'yan, ah."

"Hindi ko sinasadya. Ang dumi ng isip mo."

Umingos lang siya. Nagpunta na si Kiko sa isang kuwarto, siya naman ay naupo sa recliner. Itinaas niya ang paa sa isang ottoman at inilagay ang mga kamay sa likod ng ulo.

Elma was a married woman now. She was now a de Cambre. Dalawang taon niyang makakasama sa ilalim ng iisang bubong si Kiko. She would try her best to stay out of his way. They were not exactly friends. Hindi rin niya alam kung ano ang mga gusto nitong gawin sa buhay.

Ang sabi ni Mrs. de Cambre, masyado raw mechanical si Kiko, isang bagay na maaaring totoo kahit alam niyang marunong naman itong mag-good time. Makikita naman iyon sa uri ng mga kaibigan ni Kiko na halos lahat ay makukulit at masayahin, lalo na si Julian.

Alam ni Elma na sa Maynila sila titira. Isa-suggest niyang doon na lang sila tumira sa bahay niya, tutal walang nakatira doon. Mas komportable kasi siya roon. Hindi niya alam kung may sariling bahay si Kiko sa Maynila o kasama nito sa bahay ang ina. Parang ayaw niyang makasama sa iisang bahay ang ginang. Ang tingin kasi niya sa matanda ay pilit silang pinaglalapit ng anak nito.

Kinuha niya ang telepono na nasa coffee table at nag-dial. Hindi nagtagal, kausap na niya ang isang kaibigan. Sa ilang minutong pag-uusap ay nakapagplano na silang gumimik sa susunod na linggo.

Hinintay ni Elma na lumabas si Kiko ng kuwarto pero ang tagal nito. Prenteng nahiga uli siya sa recliner at itinaas ang mga paa sa ottoman. Nakatulog na siya sa ganoong posisyon.


Territorio de los Hombres 5: Francisco de CambreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon