Paano nagsimula?

2.4K 46 0
                                        

Nagsimula ang lahat sa isang tinginan

Hanggang sa umabot sa isang malalim na usapan

Bawat salitang ating binibitawan,

Tila tumatagos sa aking puso't isipan


Dumating ang araw na nahulog na ako sayo

Araw-araw kong gustong makita ang mga ngiti mo

Yung mga tingin mo na nakapagpapatunaw ng buong pagkatao ko

Hindi ko namalayan na ang simpleng paghanga,hahantong sa hindi kauna-unawa


Umamin ako sayo ng nadarama ko

Isang tawa lang ang isinagot mo

Na akala mo nagbibiro lang ako

Ngunit nang mapagtanto mong seryoso ako,bigla kang nagkunot-noo


"Gusto kita,pero hindi katulad ng nararamdaman mo"

Sobrang sakit ng sinabi mo

Sa punto na parang sasabog ang puso ko

Umaasa ako,ng higit pa sa sinabi mo.


Hanggang ngayon,hindi parin ako makapaniwala

Na lahat ng nadarama kong paghanga ay naglaho ng parang bula

Dahil lahat ng aking nadarama ay lalo pang lumala

Mahal kita hanggang sa aking huling hininga


Ngayon naglalapit ako papalapit sayo

Habang hawak ng aking mga magulang ang kamay ko

Isang luha ang nagbabadyang tumulo

Nang mapagtanto ko na ikakasal na pala ako


Hindi sa karaniwang tao

Kundi sa lalaking pinangarap ko

Sabay nating isulat ang ating kwento

Hindi sa papel kundi sa ating mga puso 







SPOKEN POETRIESMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon