Huling Sandali

262 11 0
                                    


Isa, Dalawa, Tatlo

Karaniwang panimula sa mga tulang nababasa ko

Ngunit ibahin mo ito, dahil nagsimula tayo sa "Kamusta ka?"

At magtatapos sa "Paalam na."


Masaya tayo, Alam ko

Ngunit sapat pa nga ba ang saya para ipagpatuloy pa natin 'to?

Unti-unting nalamig ang gabi, ngunit hindi ko sinasabi

Mga ngiti na kusang lumalabas sa aking labi, at sinong magaakala na ang mga ngiti ay hahantong sa mga luha at hikbi.


Unang hakbang papalayo sa'yo,

Ngunit dahil marupok ako,

Babalik at babalik ako..

Iba na ata ito, Pagad na ako.


Ako ang nagsimula, ako din ang magwawakas

Hindi ito matatapos sa isang bantas,

Hindi ako naniniwala na may wagas

Ngunit handa akong patunayan na ang lahat ng bagay ay may tamang oras.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 17, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SPOKEN POETRIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon