Kaibigan lang pala

3.6K 69 4
                                    

Hindi ko alam kung paano magsisimula
Kaya idadaan ko nalang sa isang tula
Sana ako'y patawarin mo
Nahulog ako sayo, na kaibigan lang ang kayang ihandog sa katulad ko

Ikaw yung taong nandyan palagi sa tabi ko
Na ultimo pag-utot ko alam na alam mo
Pasensya na Kaibigan, kung ako'y nahulog sayo
Kasalanan ko ba, kung sadyang mahal na kitang talaga?

Hindi ko aakalain na aabot ako sa ganito
Ano bang meron sayo? At ikaw ang natipuhan ko?
May taglay ka bang mahika?
At pati ako ay iyong napahanga.

Matatangap mo ba ako?
Kung magtapat ako sayo ng nadarama ko
Babalik pa kaya tayo sa dati?
Kapag nalaman mo na Ika'y aking itinatangi.

Kayraming tanong ang pumapasok sa akong kukote
Ngunit ito ay nawala ng parang kabute
Nang makita kitang kaakbay ang ibang babae
Gusto kong umiyak, ngunit hindi pwede.

Para akong sinampala ng katotohanan
Nang ika'y saakin magkwento
Ng mga ginawa niyo
Pati ang pagsagot niya sa tanong mo na "Pwede bang maging tayo?"

Unti-unting nawala ang ngiti saking mukha
At unti-unting nagkarerahan ang aking mga luha
Bahagya pa akong yumuko, pero hindi ko na naitago.

Tuluyang bumagsak ang luha ko
At humiling na sana ako nalang
Ako nalang sana siya
Papalayo na sana ako

Nang hawakan mo ang kamay ko
Ngiti ang sumibol sa mga labi
Na para bang ako ang iyong tinatangi
"Imbitado ka sa kasal ko" 

Nagising ako sa aking bangungot at napagtanto na kaibigan lang pala talaga

SPOKEN POETRIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon