Sa Pagibig walang bulag,pero tanga madami
Nagkalat lang sila diyan sa tabi-tabi
Akala mo pagkaharap mo ayos lang sila,pero umiiyak yan gabi-gabi
Kadalasan sa mga yan tawa ang iyong maririnig,pero gabi-gabi silang humihikbi
Namumugto ang mga mata
Pipilitin na harapin ang bukas,ngingiti na parang walang problema?
Alam niyo ba kung anong tawag sa kanila?
Tama,sila nga ay mga Tanga
Tanga na ayaw malaman ang katotohanan
Tumatawa na para bang walang nararamdaman
Pinaniniwalaan ang kasinungalingan
At nagmamahal kahit nasasaktan
Bilib ako sa mga taong 'to
Napakatatag at nagpapakatoo
Nagagawa paring ngumiti kahit nasasaktan na ng husto
Ayaw kasi nila na may ibang naapektuhan,ganyan sila! Inuuna ang iba bago ang kapakanan ng sarili nila
Nakakahiya man aminin ngunit isa ako sa mga ito
,pero heto parin ako umiiyak at nagmumukmok sa sulok
Ganon talaga ang buhay,hindi natin hawak ang ating kapalaran
Hayaan na lang ang panahon na hilumin ang nakaraan
Ngayon,pinipilit kong magpakatatag
Kahit dito sa loob gusto ko ng magpatibag
Babangon kami pero hindi para sainyo
Pagdating ng panahon tatayo kami sa sariling paa at asahan niyo pag kami nag-bago,maapektuhan buong pagkatao mo.

BINABASA MO ANG
SPOKEN POETRIES
RandomContains different kind of poetries and the words used, is none of your business anymore. Just read and read until you die. Just kidding. I love you readers!