Enero,ika-dalawampu't lima
Nang nagsimula akong sumulat ng tula
Hindi ko alam kung papaano magsisimula
Kung anong letra ang unang maisasadulaIsang matalinhagang salita
Na hindi ko inaasahan kung paano ko nagawa
Isa lamang ang alam ko
Ang lahat ng ito nangaling sa imahinsayon koSa murang edad natuto akong magsulat
At magisip kung papaano lagtan ng tamang pamagatNaging inspirasyon ko ang mga mambabasa
Kasama ng kanilang komentong minsan ay negatibo
Nasabi ko sa sarili ko na hindi dapat ako magpatalo
At lalong maging determinadoNakapagsulat ako ng walong tula
Nakipagsapalaran sa loob ng siyam na araw
Kung titignan mo ito lamang ay isang maikling karanasan
Ngunit isang alaala na kaytamis balikanSa totoo lamang,aking luha ay nagbabadya ng kumawala
Di makapaniwala sa mga pangyayaring nakatadhana
Nalulungkot ako sa bigla kong paglisan
Ang mundo kung saan ako natutong kiligin ay akin ng iiwanHindi man ako naging sikat
Ang aking ngalan ay di naman kalat
Nais kong magiwan ng bakat
Hindi ko buburahin ang mga tula ngunit ang naglikha ay maglalaho na ng parang bula.Paalam sa inyo..
Salamat sa panahon na inyong ginugol,
Kaylangan ko ng magpaalam
Hanggang sa Muli.

BINABASA MO ANG
SPOKEN POETRIES
AléatoireContains different kind of poetries and the words used, is none of your business anymore. Just read and read until you die. Just kidding. I love you readers!