Chapter Three

64 0 0
                                    

Chapter Three

Sa mga nakaraang araw para na akong walang gana sa lahat. Ang mga bully ko ay tinitigan ko lang nang masama dahil pagod na ako.

Biyernes na ngayon at nag iisa akong naglalakad sa hallway nang school dahil uwian na, papunta na ako nang locker nang may marinig akong nag uusap.

"Sayang maagang namatay si Robi, hindi pa ako tapos pagtripan siya eh" sabi ni lara isa sa mga kaklase ko na may crush DAW kay Robi

"Oo nga e HAHAHAH, sayang gago pa naman yun" sabi naman ni Jane na kaklase ko rin

Anong karapatan nila na sabihin yan sa taong nananahimik na? Biglang nag-dilim ang paningin ko at nilapitan ko sila na nagtatagis ang bagang

"WALA KAYONG KARAPATAN PAGSALITAAN ANG BESTDRIEND KO! " sigaw ko sa kanila

Nagulat naman sila dahil sa biglaan kong pagsigaw pero nakabawi sila agad at tinawanan lang ako. Akala nila na hindi ako papatol sa kanila? Pwes tingnan niyo ko bitches!

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinabunutan ko na si lara at sinapak ko si Jane sa mukha natumba sila pero nung nakabawi na sila ay agad silang tumakbo agad dahil sa takot.

Don't you dare talk that way to my bestfriend

Kinaumagahan.....

Pagpasok ko sa school ay nagtaka ako kung bakit ang tahimik nila at nakita ko sila Gean, Trixie, Sheen at Lily na umiiyak. Sila ang barkada ni lara at jane, tumingin naman ako sa upuan nila pero wala sila kaya lalo akong nagtaka.

Umupo na ako sa aking upuan at tumingin sa labas ng bintana.Bigla akong napaaray ng may sumabunot sa buhok ko at nakita ko na si gean yun.

"WALANG HIYA KA! BAKIT MO PINATAY SI LARA AT JEAN MANGMAMATAY TAO KA! " sigaw ni gean.

Parang nanlamig ang buong katawan ko sa nalaman ko.

P-patay na sina L-lara at J-jane? Paano? Saan? Kailan?

Nakatakbo naman sila nung inaway ko sila ha? Imposibleng ako ang nakapatay sa kanila kahit gusto ko silang patayin ay hindi ko kaya.

"Walang awa mo silang pinatay sa girl's cr kahapon langhiya ka! Alam namin na ikaw ang pumatay dahil nakita kita kahapon na galit na galit dahil tinawanan nila ang pagkamatay ng bestfriend mo!" Sigaw naman ni Trixie sa akin.

Hindi ako nakapagsalita, maaari ngang nasaktan ko sila kahapon pero hindi ako mamamatay tao. May takot ako sa diyos hindi ko kayang pumatay!

"W-wala a-akong a-alam sa sinasabi nyo" utal utal kong sabi dahil hindi pa ako nakakapaniwala na wala na sila

"SINUNGALING! " sigaw ni sheen na pinipigilang maiyak

Hindi ko kayang pumatay dahil alam ko ang mararamdaman ng iniwan. Hindi ako ang pumatay! Hindi! Hindi!

Umiling iling ako sa kanila at tumayo at tinitigan sila sa mata at umalis. Pinili ko nalang ang umalis at magpahinga dahil hindi padin pumapasok sa utak ko ang mga nangyayari.

Pagpasok ko sa bahay ay nakita ko si papa na nakaupo sa sofa habang nanunuod nga paborito nyang pelikula. Nagmano ako sa kanya at sinabi ko na masama ang pakiramdam ko kaya maaga akong umuwi.

Natulog na ako sa kwarto at nanindig ang balahibo ko nang maramdaman ko na parang may nagmamasid sa akin.

________________________

labyu for appreciating my stories please stay at tune hahaha

Secret LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon