Chapter Four

80 0 0
                                    

Chapter Four


Pumasok pa rin ako sa paaralan kahit na ako ang kanilang pinagkakamalan sa nangyari kahapon.

Habang ako ay naglalakad sa hallway papunta sa locker ko ay hindi maganda ang aking pakiramdam. Pagdating ko sa aking locker ay parang nanlamig ang buong katawan ko ng makakita nang bangkay sa girls locker, sumigaw ako at napatakbo.

Dumating na ang mga pulis at nilinis ang lugar para walang makaalam. Dahil masisira ang repitutasyon nang paaralan kung may makaalam na galing sa media. Marami nang namamatay, kaya minabuti ng principal na bayaran sila para tumahimik.

Napag-alaman na ang mga namatay ay si Gean, Sheen, Lily, at Trixie. May saksak sila sa puso ang dahilan na namatay sila agad. Hindi ko na talaga kaya ang mga pangyayari. Baka lalo akong maipit sa sitwasyon dahil ako ang taong huli nilang nakaaway.

Pagpasok ko sa classroom agad akong sinalubong nina Tristan, Ivan at Marco. Galit na galit ang ekspresyon ng mukha ni Tristan sa akin habang inaawat siya nina Ivan at Marco.

"Sa una hindi ako naniniwala kay Lily na ikaw ang pumatay pero ngayon naniniwala na talaga ako na ikaw talaga ang pumatay dahil may galit ka sa kanya!" may diin ang bawat pagbigkas niya.

Ngayon, pinagbibintanganna talaga nila ako sa kasalanang hindi ko naman ginawa at hinding hindi ko kayang gawin.

"M-maniwala ka man sa akin o hindi, hindi ako ang pumatay sa girlfriend mo at mga kaibigan niya. Hindi ako mamatay tao" sagot ko sa kanya habang pinipigilan ko ang sarili kong maluha.

Dumating na ang iyong prof naming dahilan para hindi na makasagot pa si Tristan.

Natapos na ang aming klase at pumunta na ako sa locker ko.

Pagdating ko sobrang tahimik nang lugar natatakot ako, pagsira ko ng locker ko ay parang may nakamasid na naman sa akin kaya kinikilabutan talaga ako. Paglingon ko nasa harapan ko ngayon si Tristan na may bitbit na kutsilyo! Galit na galit ang kanyang mukha.

"Anong ginagawa mo?" kinakabahan kong tanong sa kanya

"Papatayin kitang putang hayup ka, Pinatay mo ang mahal ko!" tinutuk na niya sa akin ang kutsilyo at akmang sasaksakin ako na biglang may natusok na kutsilyo sa kanyang dibdib, nagulat ako at hindi nakapagsalita, natatakot ako na baka ako na ang kasunod.

Natumba na ang bangkay ni Tristan na dilat ang mata, at nakita ko naman ang lalaking naka black na t-shirt at black mask na naglalakad na palabas pero tinawag ko siya dahilan kung bakit napahinto siya pero hindi parin siya humaharap sa akin.

"S-sino ka?" Bakit mo ginawa to? Papatayin mo rin ba ako? Ano ba ang kasalanan nila sayo? Magpakita ka nang mukha mo!" sunod- sunod kong tanong habang nanginginig ang kamay ko dahil sa takot. Hindi siya nagsalita at nagsimula nang maglakad palayo.

Napaupo ako sa sahig at umiyak nang umiyak dahil sa mga nangyayari ngayon sa buhay ko, hindi ko na alam ano ang gagawin. Una si Robi, tapos si Lara at Jane hanggang si Gean, Sheen, Lily at Trixie, ngayon naman si Tristan.

Masisiraan na ata ako nang bait sa mga pangyayari. Hindi ko na kaya.

_______________________

You know I'm so thankful that I have friends kasi they are the one who type this dahil lazy si author. Thanks for reading muchas gracias! adios! kunting kunti nalang hahahaha

Secret LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon