Chapter 13: Cool Off

3.5K 98 7
                                        

Eunha's P.O.V.

We are now in cardo teñado cafeteria. Isa sa pinaka-pinupuntahan kapag gusto mong makipag-date. Siguro laging napunta sila andrei at anika dito halos kakilala na kasi nila ang mismong guard,Waiters at yung may ari ng cafeteria. Pero maiba ulit ako,Masarap bang magka-bf? Yung tipong ipapasyal ka sa mga gantong romantic place. Nakakainggit diba? Sana may single na katulad ni andrei,Yung tipong mabait na, gwapo pa. Sino kaya... Hay~ sana hindi ako tumandang dalaga.

***

After mag-serve ng waiter,Syempre kumain lang kami ni jungkook pero yung magjowa,Alam nyo naman siguro kung anong ginagawa ng mga magjowa kapag nakain... Nagsusubuan. Edi kayo na! Bwishit!

Honestly,nakakainis. Sobrang nakakaantok yung tunog ng violin tapos wala na'kong makita dito sa loob kundi heart,heart,heart. Tsk! Kaasar! Kaya naman nilipat ko nalang yung tingin ko kay anika at kay andrei kaysa mahilo ako kakatingin sa mga paper hearts. Ngayon, muka silang nag-eenjoy pero napahinto ako bigla sa pagkain dahil gusto ni anika magpa-kiss kay andrei in cheeks. Yuck! Kahit sa cheeks lang,Ayoko parin silang makita sa ganung eksena! Hello? Merong nasa-unahan nyo! Mga kadiri kayo!

Habang kumakain kami ng isa sa mga specialty nila,Naisipan kong gumawa ng something exciting dito sa table namin. Kung iniisip nyong masama yung gagawin ko,Hindi naman siguro? Slight lang.

Since,Ang pwesto naming apat ay...

Jk & Me
(T•A•B•L•E)
Anika & andrei

Kahit hindi ko katapat si anika,At least... She is still closer at me. Kaya naman sinipa ko lang naman yung paa ni anika sa ilalim ng table habang papalapit palang yung labi ni andrei sa pisngi nya.

"Ouch! JUNGKOOK? Ikaw ba yun?" Tanong ni anika at tila si jungkook talaga ang pilit nyang sinisisi. Wahaha~ sorry mister paasa... Ang boring kasi eh,Kaya naman gumawa ako ng 'something exciting' para hindi boring at para iwas-selos,you know. Baka kasi magwala ako kapag Nakita ko si crush na may hinalikang babae.

"Ang alin?"

"Yung sumipa sa paa ko!?"

"Jungkook,Trip mo ba yung gf ko?" Tanong naman ni andrei in very serious tone.

"Ha? H-hindi noh... hindi ko nga sya ginagalaw dyan eh." Sabay lipat ng tingin sakin si jungkook. Oh no,Nahuli nya akong nangisi... So,Ngumisi rin sya sakin. Sabay bigay ng aha-nahuli-ko-rin-look. Tsk! Patay na.

"Sorry na ha, Nadali ko lang kasi yung gf mo." Sabay tingin ulit sakin. You know what,Yung mga tingin nya sakin... Parang gusto nya kong konsensyahin sa ginawa ko eh. Plus,biglang pumasok sa utak ko na baka may gawin syang 'ganti'. Oh My,Im sorry.

Huhuhu~ sabi ko na nga ba eh, Gagantihan nya ko. Dahil bigla nya nalang akong nilagyan ng icing sa ilong.

"Haha!  Eunha,You're so cute." Eew! Cute mo muka mo! Gantong laro pala gusto mo ha,humanda ka sakin...

Agad akong kumuha ng icing mula sa cake at ipinahid rin sa ilong nya.

"Now jungkook,You look so cute too." Sabi ko habang nagpa-pout.

"Ang sweet nyo ha,Mas sweet pa kayo sa cake." Biglang singit nila andrei at anika.

"Ha! Hindi kaya." bigla ko tuloy pasimpleng nakurot si jungkook sa tagiliran sa sagot nya. Mabibisto tayo nan,jungkook eh! Kaya naman kailangan ko tuloy syang takpan.

"Ang ibig kasing sabihin ni jungkook,Hindi pa kami sweet kasi hindi pa naman kami. Diba,Jungkook?" Tanong ko sabay nanlilisik na mata with matching sakyan-mo-ako-look.

Roommates Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon