Eunha's P.O.V.
Maaga akong gumising. Siguro mga 6:00 ng umaga. Dahil gusto kong sulitin ang huling araw ko dito sa apartment.
Naghilamos muna ako ng mukha at nag-tooth-brush. Pagkatapos nun ay dumaretso na'ko ng kusina para magluto ng breakfast. Ngayon ko lang toh gagawin, dahil as always si jungkook ang chef kapag umaga, at ako naman sa dinner. Pero ngayon, ako naman ang magiging chef for breakfast,lunch and dinner. Kahit hindi ako kasing-galing magluto ni jungkook, ita-try ko parin.
Hmm... Ano kayang favorite nya? Hmm... Ngayon taglamig,masarap ang mainit na sopas. Tama, ipagluluto ko sya ng sopas.
Kukuha na'ko ng ingredients pero kahit isang ingredients ng sopas,wala dito sa cabinet. Puro pang-bake lang, hayst,mahilig talaga sya sa pastry, how if mag-luto rin ako ng pastry para sa dessert? Right, pero ngayon... Mukang Kailangan kong bumili ng mga ingredients sa malapit na mall dyan. Bibilisan ko nalang, habang tulog pa si jungkook.
************
Carrots?✔️
Macaroni?✔️
Chicken?✔️
Hotdog✔️
Evaporated milk?✔️
Cabbage?✔️
Meron naman sigurong bawang, sibuyas at butter dun sa apartment kaya hindi na'ko bumili."Rainbow pancakes? Limited edition lang toh. Bilhin ko na kaya?" Tanong ko sa sarili habang hawak-hawak ang kahon ng instant pancake. Ayos lang kung mabawasan yung allowance ko, I'm sure naman na bibigyan parin ako nila mama ng allowance sa lunes.
Kinuha ko na yung pancakes dahil mukang magugustuhan toh ni jungkook kaso wala pa'ko sa counter ng may nakita na naman akong hot chocolate with marshmallow. Hmm... Mukang ang sarap neto kapag ganto kalamig ang panahon. Bilhin ko na kaya? 27 pesos lang naman eh.
6:45 na, kailangan ko ng bumalik sa apartment. Binayaran ko na lahat ng binili ko, tapos bumalik nako agad sa apartment.
Dahan-dahan akong pumasok sa apartment at sumilip pero wala naman akong nakitang jungkook. Kaya sinilip ko sya sa kwarto pero nagtaka ako ng wala sya dun. At nung pagkaharap ko ulit sa likod ko ay biglang bumungad sa mukha ko si jungkook.
"Saan ka galing?" Sa sobrang seryoso ng mukha nya at sa strikto nyang salita. Bigla akong nakaramdam ng takot, which is the first time kong makaramdam ng takot kapag kaharap ko si jungkook.
Akala ko nagalit sya sakin pero bigla nya akong niyakap. Mahigpit na mahigpit.
"Eunha..." What? Umiiyak ba sya?
"wag na wag kang aalis na mag-isa *cry* paano kung bigla ka nalang makidnap ulit? Ayokong mangyari ulit yun. Ayokong mawala ka sakin." Sabi ni jungkook habang umiiyak at yakap-yakap ako. Nabasa yung balikat ko dahil sa mga luha nya."Jungkook,bumili lang naman ako."natatawang sabi ko sa kanya.
"Kahit na eunha, ano bang binili mo?" Tanong nya sakin at bumitaw na sa pagkakayakap.
"Ahm... Wala toh." Sabi ko habang itinatago sa likod ang mga binili ko. Gusto ko kasi ng surprise at ayokong malaman nya kung anong lulutuin ko. "Jungkook, Kahit sana ngayong araw na toh, ako yung magluluto ng breakfast." Paliwanag ko kay jungkook. Napangisi naman sya sa sinabi ko.
"Sige, kung yan ang gusto mo."
"Kaya dito ka nalang muna at manood ng TV okay?" Sabi ko sa kanya habang pinipilit syang umupo sa sofa. Binuksan ko narin ang TV at nanonood na si jungkook. Pumunta na'ko sa kusina at sinilip sya.
Bago ako nagsimulang magluto naalala ko lang yung sinabi ni jungkook.
paano kung bigla ka nalang makidnap ulit? Ayokong mangyari ulit yun. Ayokong mawala ka sakin.