Chapter 34: Happy First Anniversary!!!

2.5K 74 1
                                    

Eunha's P.O.V.

Nasa Cebu na kami. Kagigising ko lang pero tiniis kong gumising ng maaga para makapag-handa at makapag-celebrate ng first anniversary namin ni jungkook. Bibili pa'ko ng mga pang-handa sa anniversary.

Pero syempre,ichecheck ko muna kung may messages yung boyfriend ko.

Babe: Good morning babe😘, happy first anniversary nga pala satin. I love you💕

Babe: mag-ingat ka dyan sa Cebu. Enjoy your vacation~ mamaya mag-vi-video-call tayo para mag-celebrate ng anniversary. Okay?

Babe: I love you ulit~ sana Gising ka na.

Babe (eunha): good morning rin babe, I love you~ happy first anniversary😘

Hayy~ ang sarap talaga ng feeling kapag nagmamahal ka. Lalo na kapag may nagmamahal rin sa'yo. Yung may nag-te-text sa'yo ng good morning pagkagising mo (author:Tsk! Edi ikaw na!) May nag-a-i-love-you sayo. At higit sa lahat kahit malayo sya, ramdam mo kung gaano ka nya kamahal.

Lumabas na'ko sa kwarto pero wala akong naabutan na tao dito sa loob ng hotel room namin. Ay, meron pala. Si ate Julie, nanonood sya ng TV sa salas. Pero nasan sila mama at papa? Pati si shane?

Nalibot ko na lahat ng sulok ng hotel room namin pero wala talaga sila. Kaya naman hindi ko maiwasan ang mag-isip... Ah, ayoko palang mag-isip,sasakit lang yung ulo ko. Mas mabuting magtanong nalang ako kay ate Julie kaysa sa mag-isip.

"Ate Julie, nasan ba sila?" Tanong ko.

"Ah, Bumili lang ng mga ingredients mo sa paghahanda ng first anniversary nyo nung boyfriend mo." paliwanag nya na ipinagtaka ko.

"P-paano naman  p-po nila nalaman na..."

"Ayan na sila." Saktong dumating na sila mama. May hawak silang mga paper bags.

"Eunha, good morning... Narinig ko lang na kung paano namin nalaman na anniversary nyo? Nabanggit lang kasi samin ni-"

"Mama!Hindi kaya!" Pagtatanggol ni shane sa sarili pero nung tumingin ako sa kanya ay nginitian nya ko.

"So... Ikaw pala ang nagsabi?" Nakangising tanong ko at unti-unti syang tumango-tango. "Ikaw talaga~ ang daldal mo." Sabi ko habang kinikiliti sya.

"Ate~ ate eunha..." Tapos tumigil na'ko sa pagkikiliti sa kanya. At napabaling ulit ako kila mama at papa na pumunta sa kusina. Sinundan ko naman sila para magtanong pa ng magtanong.

"Ma, Bakit po kayo nagluluto? Para po ba yan sa anniversary namin?"tanong ko.

"Oo anak, kasi... Naisip-isip namin ng papa mo na dapat suportahan ka rin namin kahit papaano. Alam naming nagmamahalan talaga kayo eh, Tignan nyo? Naka-1-year na agad kayo. Tapos malapit narin kayong makakuha ng magandang trabaho."

"Ma, thank you po." Sabi ko at niyakap si mama. "Wala ba'kong yakap?" Tanong ni papa na umaaktang nagtatampo. "Syempre po meron." At niyakap ko rin si papa.

"Ate eunha, kung hindi dahil sakin, hindi sila maghahanda. Kaya bakit wala po akong hug?" Tanong ni shane habang nag-pa-pout ng lips. Aba, nagtatampo rin pala sya. Lumapit ako kay Shane at niyakap ang baby sister ko.

"Thank you po ma, pero pwedeng ako nalang po yung magluto nan? Tapos pwede naman pong mamasyal muna kayo sa"

"Ahm... Sige, Pwede rin." At iniwan na nila ako sa kusina ng hotel. Maliban kay shane. "Hindi po ako sasama sa inyo, gusto ko pong magluto kasama si ate eunha." Paliwanag ni shane.

Roommates Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon