Chapter 31: I Miss You

2.8K 81 12
                                    

Jungkook's P.O.V.

Unang gabi na wala si eunha... Kakayanin ko bang matulog ng walang luhang lumalabas?

Yung good night nya, Nawawala. Sobrang tahimik ng gabing toh. Hindi ko na naririnig ang malakas nyang hilik sa tuwing natutulog sya.

Biglang may tumulong luha sa mata ko. Nakakainis naman! Ang sabi ko,hindi na'ko iiyak! Pero bakit ganto?! Ayoko ng umiyak!

"Eunha, bakit ka kasi umalis?"

Habang tinitignan ko ang bracelet na kinabit nya sa kamay ko, lalo ko syang naaalala.

Kahit ngayon palang kami nagkahiwalay, miss na miss ko na sya. Miss na miss.

********

Umaga na. Kailangan ko ng magluto para kay eun... Wala na nga pala akong eunha na ipagluluto tuwing umaga. Wala na'kong eunhang gigisingin tuwing umaga. Ang sakit namang isipin na wala na sya sa apartment na toh.

Aha, itetext ko nalang sya. Para naman magising ko parin sya, nag-aalala lang ako baka ma-late sya ng gising.

Dumaretso na'ko sa CR para maghilamos ng mukha at Nagluto na'ko. Simpleng almusal lang ang magagawa ko ngayon, wala na namang silbi kung gumawa pa'ko ng special breakfast dahil wala naman si eunha.

Tuwing nagluluto ako, si eunha ang naliligo. Ngayon, wala nakong naririnig na tulo ng tubig sa shower. Walang nanonood ng SpongeBob tuwing umaga. Walang nang-aasar sakin. Namimiss ko yung mga pang-aasar nya sakin. Namimiss ko na naman sya.

Tapos na yung breakfast na niluto ko para sakin. Sumubo na'ko at nalasahan ko itong...

"Argh~ bakit hindi yata masarap ang niluto ko ngayon?" Tanong ko sa sarili. Hayst, epekto siguro toh ng kalungkutan na iniisip ko ngayon.

Habang kumakain ako ay naaalala ko si eunha na kumakain sa harapan ko. Pero nagising na naman ako sa realidad na... oo nga pala,Wala na sya dito.

Eunha's P.O.V.

Nandito na kami sa bagong bahay namin. Sasabihin ko sa inyong sobrang layo ng bahay namin mula sa apartment ni jungkook. Sa tingin ko... Mahihirapan talaga kaming magtagpo ni jungkook,at sa school lang kami maaaring magkita.

Binuksan na nila mama at papa ang pinto. Agad akong sinalubong ni shane, bunsong babae namin,7 years old.

"Ate eunha~" masayang bati nya sakin at nagpakalong nung lumuhod ako sa sahig. "Bakit ganyan po yung mata mo? Umiiyak ka po ba?" Biglang nalungkot si shane nung nakita nyang umiiyak ako. "Bakit po?" Tanong nya ng malungkot.

"Wala toh, Naalala ko lang kasi yung... Yung kaibigan ko." Yun nalang ang naisagot ko sa bata.

"Ano pong nangyari sa kanya?"

"W-wala. Sige, magbibihis lang ako. Namiss talaga kita,shaney~ ko." Sabay pisil ko sa pisngi nya.

At dumaretso agad ako sa kwarto. Nagbihis lang ako ng mabilis at tsaka humiga sa bago kong kama. Bukas nalang ako maglalagay ng mga gamit ko at damit. Wala pa'ko sa mood.

*Tok-tok*

"Eunha? Kumain ka muna." Sigaw ni mama sa labas ng kwarto ko.

"Ayoko po, bukas nalang."

"Eunha... *Blah,blah,blah*" wala na'kong narinig na iba kundi yung music ko lang sa earphone ko.

Buti naman ay hindi na pumasok si mama kahit hindi naman naka-locked yung pinto.

Kaso bigla naman itong bumukas...Kaya naman napaupo ako sa kama ko.

"Shane, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay shane at nakikita ko yung mukha nyang sobrang lungkot.

Roommates Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon