Eunha's P.O.V.
Hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin o ipapaliwanag kay jungkook. Dahil ayoko pa. Ayoko pang mahiwalay sa kanya, lalo na ngayon palang kami nagsisimula ng TRUE RELATIONSHIP.
*Flashback*
Umuwi na kami ni jungkook nung natapos na ang Valentines party namin. At ngayon, matutulog na kami dahil sobrang nakakapagod talaga.
Aakyat palang ako sa double-deck namin ng biglang binuhat ako ni jungkook.
"Uyy~ bakit ba?" Tanong ko at tsaka ibinaba na'ko ni jungkook.
"Dito ka na matulog sa baba, dyan na'ko matutulog sa taas. Alam kong matagal mo ng gusto sa kama ko." Nakangising paliwanag ni jungkook sakin. Natawa naman ako at pumayag sa sinabi nya.
"Babe, thanks." Sambit ko habang inaayos ang unan ko sa bagong magiging kama ko. Hehe.
"Babe, mas thank you sa'yo dahil pumayag ka na maging totoo yung relationship natin. Hindi ko lang kasi talaga akalain na yung sinimulan nating FAKE ay naging REAL." Paliwanag ni jungkook. Halata sa mukha nya na hindi sya makapaniwala. Haha, ang cute nya talaga.
"Ganun din ako,jungkook. good night~ babe."
"Good night too, babe."
At yun natulog na kaming dalawa. Umakyat na sya sa double-deck at humiga dun sa kama ko sa taas.
Ngunit hindi ko pa naipipikit ang mga mata ko ng biglang mag-vibrate yung cellphone ko. Sino kaya yung nag-message sakin?
Si mama? B-bakit kaya?
Mommy shark: eunha, sabihin mo nga pala dyan sa bakla mong roommate na aalis ka na dyan. May inuupahan na'kong bagong bahay dito,para magkasama-sama narin tayong pamilya,alam ko namang matagal mo narin kaming gustong makasama ng papa mo.
Mommy shark: kaya naman mag-impake-impake ka na ng mga gamit mo dyan. siguro mga lunes, susunduin ka na namin ng papa mo dyan. Bye, baby~ mhuahh~
Habang binabasa ko ang texts ni mama sakin, hindi ko napapansin na lumuluha na pala ako. Ayoko namang mag-ingay dahil ayokong malaman agad ni jungkook na aalis na'ko sa apartment na toh. Ayoko pang mangyari yun. Sa lunes na'ko aalis dito, at may natitira pa'kong isang araw dahil sabado ngayon.
Bukas... Sisiguraduhin kong wala akong sasayangin na oras kahit segundo man yan na kasama ko si jungkook. Lahat ay gagawin kong masaya para kay jungkook. Pero lahat ng iniisip kong kasiyahan ay natatabunan ng kalungkutan, hindi ko alam kung ano nalang ang magiging reaksyon ni jungkook sakaling malaman nyang aalis na'ko ngayon lunes? Kinakabahan ako sa maaaring mangyari.
************
Ayokong magalit sya. Ayokong makikita syang umiiyak. Ayokong malungkot sya. Ayokong mawalay sa tabi nya. Gusto ko pa ng maraming memories kasama sya. Ayoko pa. Bakit kasi isinakto pang kung kailan mahal ko na si jungkook,doon pa ako kailangang umalis dito.
Sinong susundin ko?
Family ko?
O yung puso ko?Sinong pipiliin ko?
Si jungkook?
O si mama?No choice dahil sabi nila, family first. Gagawin ko nalang mas memorable ang huling araw na makakasama ko si jungkook.
*******
Author: kayo naman tatanungin ko... Anong gusto nyong genre sa susunod na chapter?
Drama???
Or
Drama???Haha, no choice rin kayo guys, ngayon ako magda-drama sa chapter 28. Good luck... Malapit na... Waiting and thanks...🖤