Illegally In Love Chapter 12

83 7 2
                                    

Wala akong matype, puwamish! Sobre ata akong na-shock sa chapter 11. -o-"

Haaaaaay...

Si Eric kasi eh... andaming alam. =______=

Ay, okey lang din yung second day of college ko! Salamat sa pagtanong! Hehe! xD

Well anyways, eto na.

Illegally Inlove Chapter 12

*After two weeks* (Super Fast Forward?!)

Hanggang ngayon, na-o-awkward-an parin ako pagdating kay kuya Eric. Hindi ko siya makausap ng maayos. Lalo na kung kaming dalawa lang. Pano ba naman, tama bang pumasok sa kuwarto ko nang hindi kumakatok?!

Sabagay, dapat pala nilock ko. -___________-

Eh hindi naman kasi nagyayari yan eh!!

Naghuhubad pa naman ako nun...

Buti nalang pala naka-panty pa ako.

>/////////<

Sa banyo na nga lang ako maghuhubad... at magbibihis.

Ang loner ko dito, ah. Bakit kaya? =________=

May bumangga saking isang contestant.

Sakit ah!

Nandito na nga ako sa pinakagilid eh.

Ang laki-laki ng daan oh. Nananadya ata to ah. =__________=

Onga pala, kung nagtataka kayo kung nasan kami, nandito sa mall. Araw na kasi ng competition at nasa backstage kami. Lumayo muna ako ng sandali kasi awkward nga. Tska, OP ako sa kanila. >____<

Dalawa pa ang grupong magpe-perform bago kami. Nagbunutan kasi kanina at ang nakuha naming number ay fifteen.

At habang nagku-kwento ako sainyo dito, may biglang humawak sa balikat ko.

Siyempre, gulat ang lola niyo!

Buti nalang at hindi ako nagka-heart attack.

Sino naman kaya ito?

Si kuya Eli kaya?

Hindi, hindi magaan ang kamay ni kuya Eli eh.

Edi... si kuya Eric?

Naaaah!!!

At dahil hindi ko malaman kung sino... tumalikod na ako.

Si four eyes.

Naka button-down shirt siya na checkered at long sleeves na light blue. Tapos pants at gamit nang converse na itim.

Napatingin ako kila kuya. Nagtatawanan sila.

Tumingin ulit ako kay four eyes.

"Good luck."

Wow. Ngayon ko lang na-realize, ang ganda pala ng boses niya.

"S-salamat."

Dumaan siya sa harap ko at umalis na. Naamoy ko pa yung pabango niya.

Hmmmm, bango.

U..U

O__O!

Natauhan ako bigla.

Ang mga pinaggagagawa ko sa buhay eh. -_________-

Makabalik na nga.

Bumalik na ako sa kanila.

"Oh, Prin. Ano ka na? :D" Tanong ni kuya Eli. "Kalmado ka na ba?"

"Okey na, kuya! ^o^"

"Waley, ako kinakabahan eh. >______<" sabi ni Jhaszel.

Pinat siya ni kuya Eric sa ulo.

"Okey lang yan, diba ikaw naman ang may gusting sumali dito? >:}"

=_______=

Sabay alok naman ni kuya Eli ng tubig. "Eto oh, tubig. :D" San niya kaya nakuha yun? o.Oa "Sa'yo nalang."

Kinuha naman ni Jhaszel yung bote. Bukas na ito kaya iinom nalang siya.

Uminom na siya. "Aaah! Salamat! ^//////^"

Nauhaw tuloy ako.

"Ako din, painom! ^o^"

Binigay sakin ni Jhas yung bote at nilagok ko na. xD

Pagkatapos na pagkatapos kong uminom, dumating si Ethan. 

"Malapit na tayo! Patapos na yung group 14."

Huh? Agad?! Ambilis naman!! >______<

Nagstart naman ang makina ni kuya Eric.

"Okay, huddle up!" Sumunod kami sa sinabi niya at nag-pray kami. Pagkatapos, "FunKi on three! One, two, three,"

"FUNKI!!"

Nagsalita na ang emcee.

"And that was an energetic and charismatic dance routine from the Poshe!!" Nagpalakpakan ang mga tao. Ang lakas nga eh! Nang tumigil na ang palakpakan, nagsalita na ulit ang emcee. "And now, let's brace ourselves from the funky moves of FunKi!!!"

Nagpalakpakan at naghiyawan ang mga tao. Bago kami lumabas, ginulo ni kuya Eric ang buhok ko. Siya ang naunang umalis. Lalong lumakas ang mga hiyawan at palakpakan ng mga tao-este, mga babae. Sumunod na rin kami kay kuya.

Nag tumbling naman bigla si Ethan sa harap.

Pinatugtog na ng dj yung track namin at nagsimula na ang laro. ;P

Pero sa kalagitnaan ng routine, nadulas si Adele.

Buti nalang at magaling kami sa ad-lib.

sa huli, hindi rin namin nagawa ang kalahati sa pinractice namin ng halos tatlong linggo.

Pero actually, mas maganda pa ang ad-lib version kesa sa practiced. xD

Nagawa din namin ang 'break-up' kaya kahit papaano, hindi nasayang ang practice.

Pagkatapos na pagkatos naming sumayaw, nagpalakpakan at naghiyawan ang mga tao. Mas malakas pa kesa dun sa nauna sa amin!

Mukhang umubra ang good luck ni four eyes ah. :)

Bumalik na kami sa backstage. Ang init, ah.

Lima nalang ang magpe-perform.

"Oh, bakit ka nakangiti diyan, Prin?" Tanong ni kuya Eli.

Nakangiti?

"A-ah! W-wala! >__<"

"Anung wala? Kanina ka pa kaya nakangiti diyan!" singit ni kuya Eric. "May boyfriend ka noh?"

Ano ba yan! Ngingiti lang eh, may boyfriend na agad?!

Nag-init tuloy yung mga tenga ko.

"EH ANO NAMAN KUNG MAY BOYFRIEND AKO!?! >O<"

-----------------------------------------------------------------

Owkei, pinapatigil na ako ng lola ko sa paggawa ng story.

Ang tanong, ititigil ko ba?

Aba! Kayo ang mag-decide.

Kayo ang nagbabasa, eh.

=____________=

Osya.

Bbye!! XD

Illegally In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon