Illegally In Love Chapter 5

123 5 0
                                    

Isa talaga akong walang kwentang writer/author/chuva!!! Ilang buwan pa bago ako mag-update nito!!! Mahigit isang taon na nga ata eh!! Tama ba?? TT_________TT

 Illegally in Love Chapter 5

Nagulantang ako nang may tumawag sa pangalan ko.

"PRIN!!!"

Si kuya Eric pala!!

Napatingin ako sa direksyon nya. ZOMG!! Ganito na nga ang itsura oh!! =>  >'.O”

Pati andami nang nakatingin sa kanya! Yung iba din nakatingin sakin! Nakakahiya naman. 

"K-kuya!"

Eto naming nasa likod parang walang naririnig. Todo laro pa rin!

Parang gusto ko tuloy lumusot sa ilalim at umalis  na. Pano ba naman, siya na rin ang naglaro sa final round!! Ano’ng gusto niya? Manood na lang ako?? No way!! Sayang lang yung binayad ko! >_____<

"Lumayo ka nga diyan!!" Sabi niya habang papalapit sa amin. Dumadami na ang nakapaligid na tao samin. May isa pa ngang babae na naglabas ng camera!! o.O Faktay!! Dedabols na!! Pag inupload yun sa Internet, baka makilala kami!! >_______<

Hinawakan ni kuya yung kamay ko. At hinila ako. Sakto namang nag-give way yung lalaki para makadaan ako. Ang kaso, hinawakan din nya yung kamay ko!! Napa-woah nalang ako. O.o

“Let. Her. Go.”

Wait a minute, bakit parang feeling ko kaaway ata to ni kuya?

“No. Why would I? She has soft hands, you know. I wouldn’t want to let go of soft hands like hers.” Sabi niya at ngumisi pa! And all that time, nakatingin lang sya sa screen!! Grabe si kuya!! Taray!!

Nahiya naman ako dun sa sinabi niya. -________-

“Let...” Natatakot na ako ha. Pag ganyan pa naman ang boses ni kuya, nagsisilayuan na ang mga kaibigan niya. Dahil alam na nila ang mangyayari pag nagkataon. “GO!!!” Napagiwi ako sa lakas ng boses ni kuya. Napatalon din yung mga nanonood samin.

Himala hanggang ngayon eh wala paring bodyguards...

“No.”

Aba’t talagang- ang tigas ng ulo ah! Sabing bitawan nga eh! >_____<” Nakakainis na ah!

Namumula na talaga si kuya. Kulang nalang eh sumabog siya. Bigla siyang lumapit kay four eyes at hinawakan ang shit collar nito. Binitawan naman ako ni four eyes at tinaas ang mga kamay niya. Si kuya naman, parang wala lang sa kanya. Pinisil ko naman ang kamay ni kuya.

“Kuya, hayaan mo na. Tinulungan lang naman niya ako eh. Tska, bini-videohan na tayo.”

Binitawan naman niya si four eyes at dumiretso sa babaeng may hawak ng camera. Dala-dala parin niya ako.

Nagulat naman yung babae nung kinuha ni kuya yung camera, hinagis sa lapag, at pinagtatapakan. Napiyak naman yung babae at nagsisigaw.

“Naandyan yung mga picture ng anak ko nung seventh birthday niya! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?! Guard!! Nasaan ang mga guards dito?! Guards!! Stop that!! Stop it!!”

Aaminin ko, maging ako rin ay nagulat sa ikinilos ni kuya. Nadala lang siguro siya ng matinding galit. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan eh...

Tumigil din naman si kuya. Binitawan niya ako, kinuha ang wallet niya, at naglabas ng malaking amount ng pera. Binigay niya ito sa babae at sinabibg, “Bumili ka nalang nga bagong camera at ipagcelebrate mo ulit ng birthday yang anak mo.” Kinuha naman ng babae yung pera, habang nakatunganga lang.

Illegally In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon