Illegally In Love Chapter 14

106 5 2
                                        

Ay, chapter 14 na! Ambilis ah! Pano ba yan, chapter 15 na ang kasunod? xD

Yieeeeeee!! Naman! x))

Sorry nga pala kung may typo. x)

Illegally In Love Chapter 14

"Now, let's see what the judges have decided..." Kinuha ng emcee ang envelope sa isa sa mga judges at binuksan ito. "Okay, the name of the group that I am going to call would be the second runner-up. They will win 10,000 pesos and a trophy. Drum roll please..."

Nagkaroon nga ng drum roll.

"The second runner-up is..."

Naku, kinakabahan ako!!

Pinisil ko yung boteng hawak ko. Ito yung lalagyanan ng shake ko kanina. Buti nalang at konti lang ang laman.

Nakatayo ang mga representative ng bawat grupo. Hindi naman kasi pwedeng lahat dahil magiging siksikan.

Natatanaw ko si kuya Eric na kalmadong kalamado. Nasa likod niya ang mga kamay niya at nasa may bandang likod siya. Siyempre naman, panlabing-lima kami eh.

Gusto niyo bang malaman kung nasaan ako? Sabagay, gustuhin niyo man o hindi eh sasabihin ko parin. :P

Nandito ako kasama sila papa. Ayaw na kasi ako pabaliking dun, eh. Actually nasa likod lang. Nakatayo pa nga. Wala na kasing bakanteng upuan, eh. Katabi ko si four eyes-este, Vincent. Ang taray nga ng name, eh.

Parang yung sa Final Fantasy lang. (Alam niyo ba yun? xD)

Kasama na rin pala namin sila tita. Andami ng nilang bag na dala eh. Mahingi nga. :P

"..the Pressure!!"

Lumuhod ang rep ng grupo at napa-sign of the cross. Tumayo rin nama siya at kinuha sa emcee ang trophy at envelope na naglalaman ng pize money. Siyempre hindi na mawawala ang mga naghihiyawan at nagpapalakpakan madlang pipol.

"Congratulations! Please stand here," Tinuro ng emcee yung space sa tabi nya. "there you go."

Humarap yung emcee sa judges.

"Now, for the first runner-up." Kinuha niya ang envelope sa isa sa mga judges. Habang binubuksan niya ang envelope, nagsasalita siya.

"The first runner-up will win 25,000 pesos and a trophy, of course. They will also win 5,000 pesos worth of GCs from Everything Clothing."

Nagpalakpakan ang mga tao at pinagsisigaw ang mga gusto nilang manalo.

Ayan na naman ang drum roll.

"The first runner-up is...

The Great Dance Squad!!!"

Napatalon yung rep ng grupo at niyakap ang emcee.

Siyempre todo iwas ang emcee.

Bumitaw din ang rep at binigay na ng emcee ang medium-sized na trophy at yung prize money pati na rin yung GCs.

Tumabi na rin ang rep sa second runner-up. Tinaas pa nito ang trophy at lalong naghiyawan ang mga tao.

Ang taray ni kuya!! xD

Kinuha na ulit ng emcee ang envelope. Grabeeeh... Ito na, sasabihin na ang winner. >_____<

"The winning group will have one year supply of Crackers: Whole Wheat, merchandise worth 10,000 pesos from Everyday Clothing, a ver, very large amount of 100,000 pesos and this trophy right here!" Tinuro ng emcee ang trophy. mukhang abot siko ko ata. Anlaki eh. 0______0

Nagsihiyawan ang tao. Sa laki ba naman ng trophy. Pati na rin yung prizes, anlaki.

Binuksan na ng emcee ang envelope.

Illegally In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon