Part 10

12.6K 389 9
                                    

"What was that?" curious na tanong ni Erica nang makaalis si Mandela. Si Terre ay hindi man nagsasalita ay mukha namang naghihintay ng sagot.

"Alin?" patay malisyang tanong niya.

"Nag-ayaw ba kayo ni Pelayo?" prankang tanong nito.

"Ah ewan ko sa lalaking iyon. Siya na nga itong uuwi ng amoy alak at amoy masangsang na pabango ng babae siya pa ang maghihinanakit kuno. Buwisit!" sagot niya at pabagsak na umupo sa kama. Napakunot noo siya ng biglang tumawa si Erica. "Bakit ka tumatawa?"

"E kasi naman para kayong mag-asawa kung magtampuhan. Tinalo niyo pa kami ni Alex," nakangiting sabi nito.

Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Of course not! Ang sabihin mo para siyang bata. Ang labo niya kausap."

"Teka, teka. Di ko kayo masundan. Magkakilala ba kayo ni Eman Darlyn?" singit ni Terre sa usapan nila.

"Oo naman no. They lived together when they were young. Kailan lang naman nagsolo si Eman," si Erica ang sumagot.

Nakita niya ang shock sa mukha ni Terre. "Bakit hindi ka nagsasalita loka!" baling nito sa kanya.

"Ewan ko diyan sa babaeng iyan. Wala namang kahiya-hiya na lumaki silang magkasama ni Eman," sabi pa ni Erica.

"E kasi I don't want to be associated with him okay," iritableng sabi niya.

"Bakit naman?" sabay pang tanong ng mga ito.

Bumuntong hininga siya. "Because when we were young, palaging galit sa akin ang mga babae sa school at sa subdivision namin dahil sa kanya. Ang yabang ko daw porket magkasama kami sa bahay ni Eman e.. a-ampon lang naman daw ako at naawa lang daw si mama Alicia sa akin. Ayoko ng makarinig ng mga ganoon mula sa mga taong ni hindi ko nga kilala," sabi niya.

Hindi sumagot ang mga ito. Napailing siya at tumayo na.

"Sinabi mo ba iyan kay Eman?" biglang tanong ni Erica.

"Why would I say it? Magkaroon pa siya ng panibagong panginis sa akin huwag na lang."

"Hmmm..."

Kumunot ang noo niya. "What's that for Erica?"

Ngumiti ito at tumayo na rin. "Wala naman. Naku bilisan na natin at malapit ng magumpisa ang shoot."

Kahit nagtataka ay tumalima na lamang siya.

"AYAN, okay na iyan Miss Risha, mukha ng sun kissed ang balat mo," nakangiting sabi ni Darlyn kay Risha Abejar. Naka dilaw na two-piece skimpy swimsuit ito. Nilagyan niya ng foundation at kaunting bronzer ang buong katawan nito para magmukhang nag beach talaga. Bronze din ang lipstick na ginamit niya rito at bahagya niyang binasa ang blonde hair nito. Bagay na bagay rito ang wet look.

"Thank you," walang buhay na sagot nito.

Kunot noong napatingin siya rito. "May problema ba Miss Risha?"

Tila naman natauhan ito at pilit na ngumiti. "W-wala. Sige ha, pupunta na ako doon," sabi nito at lumakad na palapit sa isang bahagi ng dalampasigan kung saan kasalukuyang kinukunan si Ace. Ang ilang mga babaeng artista at modelo na kasali sa pictorial ay parang mga groupies kung makangiti habang nakatitig kay Ace na ang tanging suot ay isang swimming trunks. Hindi niya tuloy maiwasang matawa ng mag-isa.

"Bakit ganyan ka palaging makatingin kay Ace ha?" pukaw sa kanya ng kung sinong biglang tumabi sa kanya. Kahit hindi niya ito tingnan alam niyang si Eman iyon.

"Akala ko ba hindi mo ako kinakausap?" sabi niyang nakatingin pa rin kay Ace.

Napasinghap siya ng bigla nitong kabigin ang mukha niya at iharap dito. "Sa akin ka tumingin," sabi nitong may bahid na naman ng inis.

MY MISCHIEVOUS STARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon