Part 19

12.3K 412 16
                                    

PAKIRAMDAM ni Eman may kung anong mabigat na bagay ang dumagan sa kanya. kahit kanina pa wala sa paningin niya si Darlyn, parang nag-e-echo pa rin sa silid na iyon ang sinabi nito. I didn't fell for you. Kung ganoon, lahat pala ng ginawa niya sa loob ng ilang linggo ay walang silbi. Because she didn't learn to love him as much as he loves her. He's such a loser.

"Eman," pukaw sa kanya ng mama niya. Pabagsak na umupo siya sa katapat na silya nito. narinig niya ang pagbuntong hininga nito. "Akala ko okay na kayo ni Darlyn. Ano ba naman kasing ginawa mo?" sabi nitong tila frustrated pa rin. Pero kahit yata magsisigaw ito ay hindi na siya apektado. Pakiramdam niya kasi namanhid siya.

"Emmanuel."

Tiningnan niya ito. At inulit niya lang rito ang paliwanag na ginawa niya kay tita Sally. Sinabi rin niya na gusto ni Natalie na pakasalan niya ito kung hindi ay ilalabas nito sa press ang mga larawan. Sa huli ay mukha namang naintindihan siya nito. Mabuti pa ang mama niya naniniwala sa kanya. Si Darlyn...

Muli siyang napalingon sa mama niya nang bigla siya nitong sampalin. Manghang napatingin siya rito. "Ma?! Bakit mo ako sinampal? Ang sakit non ah," reklamo niya at hinimas himas ang pisngi niya.

Pinamaywangan siya nito. "Nawawala ka kasi sa sarili mong bata ka. Alam kong nasaktan ka sa sinabi ni Darlyn pero anak kailangan mong ayusin ang gulong ito. Diyos ko isa lang ang manugang na gusto ko. At hindi ko siya magiging manugang kung hindi mo maayos ito," sermon nito.

Sa sinabi nito ay natauhan siya. Oo nga pala. Napatayo siya. "Ma, alam mo rin naman na isa lang ang gusto kong mapangasawa," sagot niya at kinuha ang cellphone. Nakita niya na napangiti ang mama niya. Tama ito. Kung tinanggihan siya ni Darlyn ngayon ay gagawin niya uli ang makakaya niya para mahalin siya nito. Tutal, matagal na naman niyang ginagawa iyon. Pero hindi niya iyon magagawa kung hindi niya malulusutan ang problemang ginagawa sa kanya ni Natalie.

Agad na di-nial niya ang numero ni Ace. Sana lang ay sagutin nito ang tawag niya. Nakahinga siya ng maluwag nang marinig ang boses nito sa kabilang linya.

"Ace pare, do you know where Coffee is?" bungad niya.

"Why in hell are you asking me?!" iritableng sagot nito.

Nagbuga siya ng hangin. Alam niyang mainit ang ulo ng kaibigan niya nitong mga nakaraang araw pero wala na talaga siyang alam na maaari niyang lapitan para makatulong sa kanya. "I badly need her help Ace." At sa mabilis na paraang kaya niya ay sinabi niya rito ang sitwasyon. Naipagpasalamat niya na mukha namang nakikinig ito sa kanya. "I really don't believe she's pregnant. And if she is pregnant I don't believe it's mine. The're something fishy about this don't you think so? At alam kong kaya ni Coffee alamin kung ano iyon. Come on pare help me."

Matagal na tahimik lamang ito. Pagkuwa'y bumuntong hininga. "Fine. Sasamahan kita sa apartment niya. Ipagdasal mo lang na nandoon siya," tila sumusukong sabi nito.

Nakahinga siya ng maluwag at napangiti. "Salamat pare." Nang putulin niya ang tawag ay nilingon na niya ang mama niya na abala sa pagpupunit ng mga pictures na ipinadala ni Natalie. "Ma, aalis na ako."

Tumingin ito sa kanya. "Sige. Kapag hindi mo ito naayos huwag ka ng bumalik."

Napailing siya at humalik sa pisngi nito. "Kayo na muna ang bahala kay Darlyn."

"Oo na."

SA isang simpleng apartment sinamahan ni Ace si Eman. Kahit may araw pa ay mukhang walang katao-tao sa loob ng bahay. Hindi na rin niya pinansin ang madilim na mukha ng kaibigan niya. Sa ngayon ang mahalaga sa kanya ay mabigyan ng kasagutan ang mga kakatwang ginagawa ni Natalie para matahimik na ang buhay niya. Siya na ang pumindot sa doorbell dahil mukhang walang balak si Ace na gumalaw mula sa pagkakatayo nito sa harap ng pinto.

Saglit pa ay narinig na niya ang pagbukas ng pinto. Iniluwa niyon si Coffee na naka simpleng t-shirts lang at shorts. Nakita niya ang pagsimangot nito ng makita si Ace. "At ano ang ginagawa mo rito?"

"Hindi ako ang may kailangan sa iyo, si Eman," malamig na sabi ng kaibigan niya. Marahil kung naiba lang ang sitwasyon ay kanina pa niya inusyoso ang mga ito. Pero ngayon ay kailangan niya munang unahin ang problema niya.

"I need your help regarding Natalie. She's trying to make me marry her," maagap na sabi niya nang tumingin ito sa kanya.

"Oh, so she's really that desperate already," komento nito. Napakunot noo siya. Mukhang tama siya ng pinuntahan dahil mukhang marami itong alam. Niluwagan nito ang bukas ng pinto. "Pasok," sabi nito.

Tumalima sila. Deretso itong lumakad paakyat ng hagdan. May hinablot itong isang ponytail sa lamesa at walang suklay suklay na itinali nito ang buhok. "Wait there. If you want something to drink kumuha na lang kayo sa ref. Hahalungkatin ko lang ang files ni Natalie Alonso."

"She really knows it. Wow," usal niya.

Ace smirked. "Expect her to know everything," sabi nito at nagpunta sa tila kusina. Siya naman ay umupo sa sofa.

Maya-maya pa ay bumaba na si Coffee bitbit ang isang brown envelope. Bumalik na rin si Ace bitbit ang tatlong coke in can.

"Sinasabi ko na nga ba at gagawa ng ganitong kalokohan ang babaeng iyon. I just didn't expect na ikaw ang mapipili niya because well, I know that you and Darlyn are already going there," umpisa nito.

He flinched when he heard Darlyn's name. Ah, he should not be hurt. Nangako siyang hindi siya susuko. "Anong ibig mong sabihing ako ang napili ng babaeng iyon?" tanong niya.

Nagkibit balikat ito. "As a scapegoat." Pagkasabi niyon ay inilabas nito ang laman ng envelope. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang mga larawang naroon, ganoon din ang ilang mga papeles na hindi niya alam kung paano nakuha ni Coffee, maging mga kopya ng hotel logs mayroon ito. Napangiwi siya ng makita ang larawang ipinakita na sa kanya ni Natalie. "It's true that she is pregnant. But that was before she met you."

Mula sa mga larawan ni Natalie kasama ang isang matandang lalaki ay napatingin siya kay Coffee. "Natalie is having an affair with a very old man, kumpare ng kanyang ama at isa ring politiko. She has a bad taste I must say. Patay na patay siya sa DOM na iyon. Ang kaso may pamilya na iyon at well, malapit sa daddy niya. At nang sabihin niya sa DOM na iyon na baka buntis siya nakipaghiwalay sa kanya ang lalaki.

"Kaya ngayon humahanap siya ng lalaking aako sa anak niya. Yung mga pictures niyong dalawa nakuha ko iyan sa isang kaibigan ni Natalie na mukhang hindi nakatiis. Sinadya raw ni Natalie na magpakuha kasama ka para wala ka raw lusot. So, pinantatakot niya ba sa iyo ang mga pictures na iyan?"

Manghang tumango siya. "Worst, ipinakita niya pa ito kay mama at kay Darlyn. Kapag hindi ko daw siya pinakasalan ilalabas niya ito sa press."

"Hmm. Unahan na ba natin siya?" nakangising sabi ni Coffee.

"You will do that for me?" grateful na sabi niya.

Tinaasan siya nito ng kilay. "No, I am doing this for Darlyn. I bet she's crying right now. Besides, my editor loves stories like this."

Mapait siyang tumawa. "Imposible. Gusto niya ngang pakasalan ko si Natalie. Hindi niya raw ako mahal kaya dapat panagutan ko daw ang ginawa ko. Wala naman akong ginawa. Pero makikita niya. Maiinlove din siya sa akin."

Kumunot ang noo ni Coffee. Pagkuwa'y tumawa. "I like that. My, this is interesting. O siya. Lumayas na kayo para makapagtrabaho na ako. Eman, just one great effort is all it takes to get what you want so think it carefully okay?" nakangiting sabi nito.

Hanggang sa makaalis na sila ay pinag-iisipan niya pa rin ang sinabi nito. What great effort? Then, he thought of something. Yes, that was great effort indeed. But he's willing to do it for Darlyn.

MY MISCHIEVOUS STARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon